OLONGAPO CITY — Patay habang ginagamot sa James Gordon Memorial Hospital ang isang lalaki, habang kritikal naman ang kaangkas nito sa bisikleta matapos silang araruhin ng isang dump truck sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Kalaklan, ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng Traffic Enforcement and Patrol Unit ng Olongapo City PNP, naganap ang aksidente bandang alas-5:10 ng hapon sa kanto ng Otero Avenue at Kalaklan Highway.
Nabatid na matrapik sa mga sumandaling iyon nang ang dump truck na may plakang XPC-929 na minamaneho ni Ricky Dacayo, 29, ng Barangay San Rafael, San Marcelino, Zambales ay mawalan umano ng preno.
Dahil dito, unang nabangga ng dump truck ang bisikleta kung saan nakasakay ang biktimang si Jay-Ar Luciano, ng Mactan, Purok 1, Barangay Old Cabalan, Olongapo City, habang ang angkas nitong si Richard Bris, 23, ng San Pablo, Dinalupihan, Bataan ay tumilapon sa lakas ng pagkakabangga.
Si Luciano ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan makalipas ang ilang oras, habang si Bris ay naka-confine dahil sa tinamo nitong sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawam.
Nabatid pa sa imbestigasyon ng pulisya, matapos banggain ng dump truck ang bisikleta, sinagasaan pa nito ang isa pang bisikleta kung saan nakasakay ang biktimang si Edwin Ebrole, 45, ng Block 21, Santol St., Barangay Upper Gordon Heights, Olongapo City at ang isa pang single motorcycle na may plakang 3787 na minamaneho ni Gilson Asencio, 25, ng Block 22, Lot 19, Talisay St., Barangay Gordon Heights, Olongapo City.
Ang mga biktima ay nakaligtas sa aksidente matapos na tumalon sa kanilang sinasakyan.
Kasunod nito, inararo pa ng dump truck ang isa pang van na may plakang CRT-930 at dalawa pang pampasaherong tricycle.
Ang suspek ay detinido sa Police Station 1 ng Olongapo City PNP at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Physical Injuries with Multiple Damage to Properties.