Home Headlines 1-K baboy sumalang sa culling matapos magpositibo sa ASF

1-K baboy sumalang sa culling matapos magpositibo sa ASF

789
0
SHARE
Photo grabbed from net

(Photo grabbed from web)

PULILAN, Bulacan — Nasa mahigit 1,000 baboy ang sumalang sa culling at inilibing matapos magpositibo sa African swine fever (ASF) ang mga ito barangay ng Tabon at Inaon.

Ang mga baboy na kinuha mula sa backyard raisers ng dalawang nabanggit na barangay ay inilibing naman sa Barangay Longos.

Ayon kay Leovigildo Garcia, municipal planning officer ng Pulilan, 800 na baboy na ang ibinaon nitong Martes at nasa 200 naman noong Miyerkules.

Ipinaliwanag niya na pinapalo ng tubo sa ulo ang mga baboy bago ilibing para wala ng dugo na kakalat pa saka ihuhulog sa 10 talampakan na hukay gamit ang backhoe at tatabunan ng lupa at tatakpan ng apog para hindi na kumalat pa ang virus at maiwasang mangamoy.

Ayon naman kay Mayor Martiz Ochoa-Montejo, pangamba niya na hanggang 19 na barangay sa Pulilan ay maaaring tinamaan na rin ng ASF.

Nanawagan siya sa mga backyard hog raisers sa kanilang lugar na makipagtulungan sa kanila upang maging maayos ang isasagawang culling.

Aniya, mula sa Kapitolyo ang atas na i-culling na ang mga baboy sa kanilang bayan.

Samantala, magbabayad ang Department of Agriculture ng P3,000 kada baboy ngunit sa ngayon ay hindi pa nababayaran ang mga hog raisers na kinuhanan ng mga baboy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here