Home Headlines YAKAP Clinics ng ika-3 at 4 na Distrito ng Pampanga: Pinapalakas ng...

YAKAP Clinics ng ika-3 at 4 na Distrito ng Pampanga: Pinapalakas ng PhilHealth para sa mga Miyembro

110
0
SHARE

𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔 – Pinangunahan ni Acting Vice President Henry V. Almanon at Acting Branch Manager Dr. Rowena S. Zabat San Mateo ang kasalukuyang pagsusuri at pagpapalakas ng 60 YAKAP Clinics mula sa ika-3 at 4 na Distrito ng Pampanga, na ginanap sa Lola Ima, City of San Fernando, Pampanga ngayong ika-29 ng Setyembre, 2025.

Ibinahagi ni AVP Almanon sa higit 300 partners (clinics at mga duktor) ang hangarin na lalong palakasin ang mga YAKAP Clinics at mga duktor upang maseguro ang mga serbisyo para sa mga miyembro tulad ng libreng konsultasyon o check-up, pagsusuri sa kalusugan, pagbibigay ng tamang reseta sa pasyente, laboratoryo, pagsusuri sa cancer, at nakahandang 21 na gamot na libreng ibibigay sa pasyente ayon sa reseta ng YAKAP na duktor. Ito ay upang mabigyan ng solusyon ang mga alalahanin ng mga miyembro tulad ng mga sumusunod:

1. Maroon bang doktor sa YAKAP clinic pag nagpunta ang miyembro?
2. Mabibigay ba ng doktor at YAKAP clinic ang tamang reseta at gamot para sa miyembro? (kasama sa 21 na gamot sa ilalim ng YAKAP)
3. Kumpleto ba ang 21 na mga pangunahing gamot sa YAKAP clinic para sa impeksiyon, kolesterol, bara sa ugat, allergy o sakit sa katawan, para sa hika at COPD (Chronic Obtsructive Pulmonary Disease), para sa puso, altapresyon, at mataas na blood sugar?
4. Mabibigay ba sa miyembro ang libreng laboratoryo ayon sa reseta ng YAKAP na doktor?
5. Mayroon ba ang pasilidad o ka-partner na pasilidad ang YAKAP clinic para sa pagsusuri ng cancer (cancer screening) kung kailangan ng miyembro?
6. Epektibo bang gumagana ang IT system ng YAKAP clinic at doktor para sa pagbibigay ng serbisyong YAKAP, kasama ang pag-reseta ng gamot, laboratoryo, o pagsusuri sa cancer?

Ang sariling pagsusuri (self-assessment) ng mga YAKAP clinics ay proseso upang maseguro na ang lahat ng benepisyo at serbisyo sa ilalim ng YAKAP na tumutukoy sa primary care services ay kumpletong mabibigay sa mga miyembro. Ito ay bahagi ng pagpapalakas ng kapasidad ng mga YAKAP clinics, habang kasalukuyan ang proseso ng pag-accredit ng PhilHealth sa mga parmasiya o pasilidad na maaaring magbigay ng mga GAMOT (para sa karagdagang 54 na mga gamot). Kasama rin sa pagpapalakas ng mga YAKAP clinics ang kanilang pagmamapa (mapping) sa mga potensiyal at accredited na parmasiya o pasilidad ng GAMOT para sa karagdagang 54 na mga GAMOT.

Bahagi din ng programa ang paggawad ng mga parangal sa mga YAKAP clinics para sa kanilang mabuting serbisyo sa mga miyembro mula sa:
1. Apalit
2. Arayat
3. Bacolor
4. Canbaba
5. City of San Fernando
6. Macabebe
7. Masantol
8. San Luis
9. Santa Ana
10. Santo Tomas
11. San Simon
12. Minalin
13. Mexico

Ibinahagi din ng PhilHealth sa mga partners ang mga gabay ukol sa “YAKAP Clinic Readiness System Application and Compliance to Performance Commitment”, para sa higit na epektibong pagbibigay ng mga benepisyong YAKAP para sa mga miyembro. Ang Local Health Insurance Office (LHIO) San Fernando sa pangunguna ni Elizabeth B. Capuli at Mylene M. Lumbre ang nangasiwa sa programa ng YAKAP para sa ika-3 at 4 na Distrito ng Pampanga, upang higit na mapalakas ang mga benepisyo at serbisyo para sa mga miyembro at tuluyan silang mailayo sa sakit.

(Ulat ni Monifer S. Bansil, Head-Public Affairs Unit)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here