Valerie Concepcion gusto nang pabuntis kay Dondon Hontiveros

    99
    0
    SHARE

    Kung talagang pakalilimiin lang, may laman yung sinasabi ni Valerie na gusting magkaroon ng kapatid ng kanyang anak na si Hether Fiona although may kundisyon daw ito.

    Pakakasal kaya siya kay Dondon Hontiveros dahil buntis na siya ngayon?

    “Sabi niya, I have to get married first,” natatawang sabi ni Valerie.

    “Sabi ko kasi, ‘o, you want to have a baby sister na or baby brother?’ Sabi niya, ‘yes, but you have to get married first.” Ha-ha-ha! Akala mo kung sinong matanda,” kuwento ni Val.

    Matagal-tagal na ring in a relationship si Val sa basketball player na si Dondon Hontiveros kaya naman marami ang nagtatanong sa kanya kung wala pa ba silang planong lumagay sa tahimik.

    “Honestly, ako, I wanna  get married siguro, 3 to five years from now. I’m turning 24 sa December at ’yun, mga 3-5 years pa. ’Pag hindi kami ang nagkatuluyan, dadagdagan ko pa,” natatawa niyang sabi.

    Dati raw ang ideal age niya to marry ay 25 years old. Pero na-realize raw niya na parang hindi pa niya kakayanin dahil ma-rami pa raw siyang gustong gawin.

    Two and a half years na sila ni Dondon at mukhang okay na rin ang magkabilang partido nila para sa isa’t isa. Maging ang anak niyang si Heather Fiona ay lume-level-up na raw dahil Tito na ang tawag nito sa basketbo-lista na dati naman daw ay “kuya” lang.

    Sa ngayon ay napapanood si Val sa 100 Days To Heaven. Natapos na raw niya ang Mga Nagbabagang Bulaklak kaya sa ABS-CBN na lamang siya mapapanood. Masaya raw siya na parehong maganda ang feedback sa dalawang teleserye.

    Pero bilang respeto na rin daw sa ABS-CBN dahil matagal na siyang Kapamilya star, hindi na raw muna siya tatanggap ng show from TV5 at dito na lang magko-concentrate sa 100 Days To Heaven.

    “Para na rin wala nang mga issue. Everytime kasi na magti-tweet ako ng ‘thanks for watching 100 Days To Heaven and Mga Nagbabagang Bulaklak, hindi puwedeng walang magtu-tweet sa akin ng ‘ano ka ba talaga, 2 or 5?’ Parang ganu’n. So, para hindi na rin malito ang tao, kung may project sa 2, 2 na lang muna, kung sa 5, 5 na lang muna,” she said.

    May mga nagsasabing pang-award ang ginawa niyang acting sa MNB at happy naman ang aktres sa magandang komentong ito.

    “Masaya na na-appreciate naman ang paghihirap ko pero siyempre, ayoko namang umasa na makaka-receive ako ng award. Pero kung darating, eh, ’di thank you, Lord. Pero kung hindi, okey lang din and ayoko namang mag-expect.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here