Speedboat ni Lapid narekober

    282
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Narekober ng mga mangingisda ang isang speedboat na pagmamay- ari ni Senator Lito Lapid sa may layong 60 milya mula sa pampang ng bayang ito makaraan itong mawala habang nakapondo sa Anvaya Cove sa Morong, Bataan.

    Sa ulat mula sa Municipal Fisheries Aquatic Resources and Mangement Council ni Noel Aque, boat captain ng
    F/B Reymi Ann, patungo pa lamang sila para mangisda nang makita nila ang isang speedboat na naanod sa
    laot.

    Nang kanila itong usisain nabatid na ang nasabing speedboat ay pagmamay-ari ni Lapid, batay sa tag sa susi
    ng speedboat kung saan nakalagay ang pangalan ng senador. Nauna nang ini-report sa pulisya ang pagkawala ng speedboat habang ito ay nakadaong sa Anvaya Cove.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here