Sex Bomb Girls suwerte sa maasikasong manager

    176
    0
    SHARE
    Kung hindi mo kilala si Joy Cancio, manager ng SexBomb Girls, aakalain mong supladita’ng babaing ito. 

    Kami mismo, we had some chances na naka-meet si Joy pero hindi kami naging close sa kanya dahil nga naasiwa kami noon na baka balewalain lang niya kami.

    That was many years ago na sinayang lang pala namin, dahil sa true, napakabait pala ni Joy na minsan lang namin nakahuntahan care of our very good friend Pete Ampoloquio at tila ilang taon na rin kaming magkakilala.

    Kababayan pala naming si Joy whose mom hails from Arayat, Pampanga. Kami ay taga-Candaba and these towns are just a boundary away.

    Anyway, maraming kuwento sa buhay na pinagdaanan si Joy siyemnpre mas interesado kami sa pagsisimula ng kanyang Sex Bomb Girls although, maraming nasulat tungkol dito.

    Si Joy pala ang nagtatag ng Focus Dancers at siya noon ang namahala sa ilang pakontes sa tv na nangangailangan ng mga dancers. Isang araw daw, nagkaroon ng Sexbomb contest sa Eat Bulaga, at simula nga noon, Sex Bomb na talaga’ng tawag sa grupo na galling naman kay Joey de Leon ang bansag

    Obviously, napakalaki ng utang na loob na tinatanaw ni Joy sa Eat Bualga dahil doon nga isinilang ang kanyang mga babae. Kumbaga, sa pamamagitan ng noontime show, natupad ni Joy ang pangarap niyang magkaroon ng grupo ng mga dancer na nagkapangalan.

    “Childhood dream ko po talaga yun, bata pa ako, may passion na ako sa pagsasayaw, nakarating ako ng ibang bansa dahil sa pagsasayaw ko, at nang magbalik nga ako sa Pilipinas, nagsikap akong mapaunlad ang sarili ko. Hindi naman ‘yan habambuhay akong magsasayaw lang, kailangan naman talaga ay may maituro ako,” sabi pa niya.

    Parang kinaisahan nga ng magandang pagkakataon, sumikat ang Sex Bomb Girls at kilala nating lahat ang mga personahe na kasali sa grupo. But of course, pinakasikat sa grupo sina Rochelle Pangilinan at Jopay Pagiua, ang mga buhay na pinagdaanan ay hindi nakalingid sa publiko.

    “Gusto ko talaga lahat sila mapasikat ko, gusto ko lahat sila umasenso pero yan talaga ang challenge ko, hindi ganoon kadali. Nakauna na sina Rochelle at Jopay, suwerte talaga sila. Marami pang mga Sex Bomb ang puwedeng makiagapay sa stature nila pero talagang hindi ganoon kadaling mag-build up. Sa sitwasyon sa industrya, mahirap talaga.

    “Pero bakit naman ako susuko, yan din ang sinabi ko sa mga Sex Bomb, ‘wag silang susuko, darating din ang suwerte sa kanila. Meanwhile lagi kong sinasabi sa kanila sa industryang ito, pinakamahalagang attitude. Huwag silang mag-feeling sikat,  at pangalawa ang loyalty at trust. Importante na magpakita sila ng loyalty sa mga nakasama nila at huwag nilang sirain ang trust ng mga taong tumutulong sa kanila. Sa akin, yan ang patunay ko sa buhay na gustong ipamana sa kanila, “ serysosong kuwento pa sa amin Joy Cancio.

    Meanwhile, alagang-alaga nga ni Joy ang kanyang SexBomb. Basta may pagkakataon din lang, she goes out of her way para alamin ang mga personal na detalye sa buhay at  sa career ng mga alaga. Pangalawang pamilya ang turing ni Joy sa kanila at sa aming palagay, dito nagmumula yung walang hanggang pag-usbong ng blessing para sa Sex Bomb Girls.

    Napaka-inspiring ng kuwento ng buhay ni Joy kaya marami pa kaming detalye na sa mga susunod na kolum ay ire-reveal namin.

    Hindi ba, Pete Ampoloquio?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here