Public apology ni Melissa, dinedma ng negosyanteng kaibigan ni Andrew

    271
    0
    SHARE
    Itinuloy na nga ng negosyanteng si Rey Pamaran, ang nakaalitan ni Melissa Mendez, ang demanda sa aktres.

    Kasama ang abogadong si Raymond Fortun, nagsampa ng kasong slander by deed ang kaibigan ni Andrew Wolff with P3M damages kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office.

    Ito ay sa kabila ng nag-issue na ng public apology si Melissa kay Pamaran noong Martes dahil matatandaang isa ito sa mga kondisyon ng negosyante para huwag niyang kasuhan ang aktres.

    Ang isa pang kondisyon ni Pamaran ay magsabi ng totoo si Melissa at ito raw ang hindi natupad kaya itinuloy niya ang pagdedemanda.

    Ayon pa kay Pamaran, tatanggapin lang niya ang public apology ni Melissa kung babaguhin nito ang ilang mga detalye sa kwento hinggil sa insidenteng nangyari sa kanila last March 19 sa loob ng eroplano habang patungo ng Pagadian City.

    Samantala, umani ng batikos ang hindi pagtanggap ni Pamaran sa paghingi ng tawad ni Melissa at marami ang nagsabi na OA na ang negosyante.

    Humihingi na ng tawad ang babae sa kanya at nagpakumbaba na, pero hindi pa rin niya ito tinanggap. Say ng isang netizen, ano pa ba ang gusto ni Pamaran na gawin ni Melissa dahil kulang na lang ay paluhurin niya ito at halikan ang kanyang paa?

    Ang iba naman ay nagsabing kung dati ay kumakampi sila kay Pamaran dahil sa ginawa ni Melissa, this time, nasa aktres na ang kanilang simpatiya dahil nga sa hindi pagtanggap ng negosyante sa apology nito.

    Well, may point naman ang mga netizen. Mas maganda sana kung tinanggap na lang ni Pamaran ang apology at mag-move-on na sa insidente nang pareho na silang matahimik.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here