Home Featured Article Mayor nanawagan sa nasirang tulay

Mayor nanawagan sa nasirang tulay

1245
0
SHARE

(Nangangamba ang mga residente na tuluyang gumuho ang tulay na ito sa Barangay Sibut, San Jose City bago pa magawa ang bagong tulay na noon pang Okt. 2015 sinimulan ngunit walang nagagawa. Halos maghiwalay ang dalawang linya ng tulay matapos ang habagat nitong Linggo. Kuha ni Armand Galang)

SAN JOSE CITY – May malaking bitak na halos maghiwalay sa magkabilang lane, may isang bahagi ang bumaba at mararamdaman ang malakas na pagyanig.

Ito ang sitwasyon ng tulay sa Barangay Sibut, San Jose City matapos ang ilang araw na pag-ulan na dulot ng habagat kamakailan.

Pero kahit aminadong natatakot, naoobliga ang mga residente katulad ni Boy Velasco na dumaan sa tulay dahil ito ay nag-uugnay sa sampung barangay ng lungsod.

“Natatakot din pag yumayanig,” sabi ni Velasco. Nangangamba ngayon si Mayor Mario Salvador na mistulang “ticking bomb” na anumang oras ay magbunga ng kapahamakan sa mga biyahero at motorista ang 280-meter na tulay.

Bukod kasi sa 10 barangay ng San Jose City ay nag-uugnay rin ang Sibut Bridge sa mga bayan ng Rizal, Llanera, Pantabangan at lalawigan ng Aurora.

Kaya panawagan ngayon ni Salvador kina Pangulong Rodrigo Duterte at Public Works Secretary Mark Villar na madaliin na ang implementasyon ng P100-milyon na bagong tulay sa nabanggit na lugar.

Okrubre ng taong 2015 nang simulan ang konstruksiyon ng bagong tulay ngunit makikita na hanggang sa ngayon ay iilang poste ang sinisimulan pa lamang itayo.

Kinakalawang na rin ang mga bakal na gagamitin dito. Bukod sa halos bumagsak na tulay, nawasak rin ng habagat ang riprap na itinayo ng DPWH 1st engineeting district noon lamang nakaraang taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here