Kim Chiu naagaw ni Coco Martin kay Xian Lim

    221
    0
    SHARE

    LAST TUESDAY, nagkaroon ng fi rst presscon ang teleserye na Ikaw Lamang ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Coco Martin at Kim Chiu.

    The said presscon was for Kim and Coco only dahil may mga susunod pa para sa ibang cast naman.

    In person, tila nagkakahiyaan pa ang dalawa, lalo na nga ang aktor na may time pang nag-buckle at nakalimutan ang sasabihin dahil ninenerbyos daw siya.

    Actually, pangatlong pagsasama na nina Kim at Coco ang Ikaw Lamang, pero ito ang unang pagkakataon na magkapareha sila.

    Una silang nagkatrabaho sa Tayong Dalawa kung saan say ng aktor, asungot siya dahil si Gerald Anderson pa ang katambal ni Kim.

    Pangalawa naman nilang pagsasama ang Kung Tayo’y Magkakalayo at magkapatid naman ang kanilang role.

    Aminado si Coco na medyo naging mahirap ang adjustment para sa kanya na magkaroon sila ng rapport ni Kim since fi rst time nga nila to be paired off.

    “Actually, mahirap, lalung-lalo na sa akin. Ngayon, nagsisimula pa lang kami, kailangan talagang pagtuunan ng pansin, ng panahon. Kailangang trabahuhin na magkaroon kami ng chemistry, kasi medyo matagal kaming hindi nagkasama,” say ni Coco.

    Kaya nag-i-effort daw talaga siya for Kim para maging close sila at nang sa gayun, magampanan nila nang maayos ang kani-kanilang role bilang Samuel at Isabelle.

    “Ako kasi, honestly, sa lahat ng nakakatrabaho ko, ganu’n. Mas kailangan namin ng panahon. Honestly, hindi naman ako ’yung tipong nagugustuhan agad, eh. Kailangan pa talaga ng panahon para magustuhan ako ng tao, eh,” natatawang say ni Coco.

    Sa part naman ni Kim, hindi raw siya masyadong nailang dahil nga nagkasama na sila sa dalawang teleserye.

    “Hindi naman kasi ’yung ngayon lang kami nagkita in person, hindi naman ganu’n. May pinagsamahan na rin naman kahit paano.

    “So, ’yun ngang mga kilig-kilig, ’yun ang tinatrabaho talaga namin. Marami kaming inputs sa isa’t isa. May kinunan kami nu’ng isang araw and medyo piniga namin. And maganda naman ang kinalabasan.

    “Teamwork. ’Yun (ang importante/kailangan),” pahayag ni Kim. Siyempre, hindi maiwasang matanong si Kim kung ano ba ang naging reaksyon ni Xian Lim na paghihiwalayin na sila, lalo pa nga’t naging blockbuster ang last film nilang Bride for Rent.

    “Habang nagsu-shooting pa kami ng Bride for Rent, alam ko na na may teleserye kaming gagawin ni Coco.

    Kahit hindi pa lumalabas kung ilan ’yung kinita ng pelikula, kahit hindi pa showing, alam ko na ipa-partner nga kami ni Coco. “And ’yun, parang it’s time for growth na rin siguro.

    And hindi naman paghihiwalayin ’yung tandem namin ni Xian since may movie nga kami this coming third quarter na gagawin. And si Xian din, mayroon namang gagawin na teleserye.

    “So, wala naman pong bubuwagin. Kung anuman po ang proyektong binibigay sa amin, we’re very happy and very thankful. Siguro naman kung si Xian ang nasa lugar ko, ganu’n din, tatanggapin din niya, kasi iba po ’yung pakiramdam na mapabilang sa teleseryeng ito and ’yung suporta ng fans, nandoon pa rin naman, hindi pa rin nawawala.

    “And ’yun, nag-promise sila (the fans) na susuportahan ang bawat proyekto namin ni Xian and dudoblehin nila ang support nila sa mga ginagawa namin ngayon,” say ni Kim.

    Natanong si Coco kung bakit parang support na lang nila ni Kim si Julia Montes gayung dati ay sila ang magkatambal. “Actually, nu’ng unang prinisent sa akin ang kuwento na ’yun nga, ito ’yung kuwento, ito ’yung konsepto, siyempre, sabi ko nga, hindi naman lahat ng pagkakataon, nabibigyan tayo ng magandang project, ’di ba po?

    “Tapos nu’ng binuo ’yung konsepto, gandang-ganda na ’ko, tapos dahan-dahan, saka ipapasok ’yung casting.

    Nu’ng pinasok ang casting, siyempre, nagulat ako dahil sobrang laki and sobrang gagaling ng mga kasama namin. “And ’yung kay Julia po, siyempre, ’yung ibang fans na nagtatanong bakit ’di kami pinagsama, ’yun ’yung magandang revelation, eh.

    “Actually, ’yun ang sikreto ng soap na dapat nilang abangan. Nandu’n ’yung pinaka-fl avor. Kumbaga, sinadya po talaga ’yun na maging love triangle kami or maging apat kami,” paliwanag ni Coco.

    Magsisimula ang Ikaw Lamang sa March 10 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here