Home Headlines Kaakit-akit na pamaskong dekorasyon sa Balanga City

Kaakit-akit na pamaskong dekorasyon sa Balanga City

512
0
SHARE

Belen sa Penelco. Kuha ni Ernie Esconde


 

BALANGA CITY — Dalawang Pamaskong palamuti na kabubukas pa lamang ang umaakit ng pansin at dinarayo ng maraming tao sa dalawang magkaibang lugar sa lungsod na ito.

Ang isang dekorasyon ay makikita sa malaking Vista Mall sa Barangay Cupang Central samantalang ang isa pa ay sa Barangay Tuyo, na parehong nasa tabi ng Roman Highway kaya hindi malilingid sa paningin ng mga motorista at ng mga nagsho-shopping.

Sa bungad ng mall ay may tila balag ng liwanag dahil sa napakaraming LED lights habang sa pasukan ay may isang arko na puno ng mga makukulay na Christmas balls.

Christmas tree sa Vista Mall.

Sa loob ng mall, kapuna-puna ang isang malaki at ilang maliliit na Christmas tree na tiyak na magpapaalaala ng parating na Pasko.

Sa isang bahagi sa labas ng mall, maraming mag-aanak ang nagkukuhanan ng litrato samantalang masayang naglalaro at naghahabulan ang mga bata na waring sinusulit ang mga araw na hindi nakalabas dahil sa umiiral na pandemya.

Mga bata sa mall.

Tampok naman ang isang kaakit-akit na belen na nagsisilbing liwanag sa isang bahagi ng bakod ng Peninsula Electric Cooperative (Penelco).

Kapansin-pansin ang dekorasyong Pamasko sapagka’t nagiging tila tanglaw ito sa madilim na kapaligiran.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here