Jonalyn Viray looking for a new man

    339
    0
    SHARE

    WALANG lovelife ngayon ang singer na si Jonalyn Viray. Tapos na raw ang relasyon niya sa ex-BF na tumagal din halos ng three years.

    “Pero hindi naman po ako naghahanap ng boyfriend ngayon. Mas gusto ko na muna na walang BF para iisa lang ang iniisip ko at hindi nahahati ang oras ko,” sey ng singer na ayaw nang magkomento sa pagkakabuwag ng grupo nilang La Diva.

    Eh, ano ba ang hinahanap niya saisang lalaki? “Wala naman in particular. Sabi ko nga, hindi rin ako naghahanap.

    Pero parang mas okey kung singer din. Ha-ha-ha! Parang Regine-Ogie lang. Ha-ha-ha! ’Yung puwede kayong mag-duet sa show,” natatawa niyang pahayag.

    “Basta darating din ’yon sa tamang panahon. Sa ngayon, career muna dapat,” diin pa niya. Ipagdiriwang ni Jonalyn ang kanyang 9th year sa music industry sa pamamagitan ng isang concert na pinamagatang Fearless on Feb. 28 (Friday), sa Music Museum.

    Special guests sa show sina Regine Velasquez, Kuh Ledesma at Brenan Espartinez. Fearless is presented by GMA Network and Creative Media Entertainment.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here