MAY frontal nudity at pumping scene with John James Uy ang bagong sexy star na si Yam Concepcion sa pelikulang Rigodon na dinerek ni Erik Matti para sa Viva at Reality Films na ipapalabas na simula ngayon, Nov. 21.
Kabado si Direk Erik sa magiging resulta nito sa takilya. Pero, sabi namin, walang dudang titipak ito.
Matagal-tagal na rin kasi tayong hindi nakakapanood ng ganitong uri ng pelikula, lalo’t alagang-alaga ni Direk ang naturang eksena na umabot ng 6 to 8 minutes. At kilala siya sa mga pelikulang pang-world-class at may kalidad.
Hindi basta lampungan ang mapapanood pagka’t kakaibang bold movie ito. Magiging trend ito at inaasahan ni Direk na magtuluy-tuloy sa local cinema at sana, mapanood din sa iba’t ibang festival sa ibang bansa.
Katok nang katok si Direk sa mesang-kahoy at sana raw ay mag-dilang anghel kami.
Hindi naman pala totoo na bawal ang bold movies ngayon. Nasa pagbibigay ng ratings lang ‘yan, dahil R-16 naman ang Rigodon. Kayang-kayang disiplinahin ang sarili ng moviegoers sa maseselang bahagi ng pelikula.
Dagdag ni Direk, pinili raw nila, he in particular si Yam among the more than 40 na nag-audition for the role, dahil siya ang typical girl/woman “a man can bring home to mama.”
Mukha talagang artista si Yam. Hindi lang typical bold star ang hitsura niya, pero, katakam-takam ang malaki niyang hinaharap. Sapat ito para pagpantasyahan siya ng mga lalaki at kainggitan ng kapwa babae.
Samantala, hindi rin dapat mag-alala ang mga manonood na baka hindi kayanin ng leading man na si John James Uy ang role, dahil bulol daw ito at hindi umaabante ang career dahil walang talent sa pag-arte.
“Iba na siya ngayon,” natatawang sabi ni Direk. “Unang-una, tailor-made para sa kanya ang role. Bulol talaga siyang mag-Tagalog dito dahil dayuhan siya sa ‘Pinas na nahihirapang mag-adjust sa hamon ng buhay. Basta, panoorin n’yo siya at kayo na ang mag-judge.”