Home Headlines Ika-118 taon ng Iglesia Filipina Independiente ginunita

Ika-118 taon ng Iglesia Filipina Independiente ginunita

246
0
SHARE

St. Catherine of Siena Church ng IFI sa Samal, Bataan. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Ginunita ngayong Linggo sa bayang ito ang ika-118 anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa isang simple ngunit masaya at maingat na selebrasyon.

Maingat, dahil mahigpit na ipinatupad ang mga safety protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, paglalagay ng alcohol sa mga kamay, pagkuha ng temperature sa pamamagitan ng thermal scanner at paglilista sa mga pangalan, tirahan, at contact number ng mga magsisimba.

Ang mga upuan sa Parokya ng Siena ng IFI o kilala rin bilang Aglipay Church ay markado ang mga bahagi na hindi pwedeng upuan upang masunod ang social distancing.

Masaya, dahil ang ginanap na Banal na Misa ay puno ng awitan at sayawan na sinusunod din ang mga nakatakdang protocol.

Fr. Roderick Miranda, parish priest. Kuha ni Ernie Esconde

Sinabi ni Fr. Roderick Miranda, parish priest ng IFI- Samal, na nakikiisa sila sa selebrasyon ng ika-118 taong proklamasyon ng pagkakatatag ng IFI.

“Sa kabila ng pandemya ay payak ang selebrasyon lalo na sa mga parishes, by parochial gathering ngayon ang selebrasyon dahil walang diocesan at walang national gathering na gagawin, sabi ng butihing pari.

Sinabi ni Miranda na ang program ngayon ay isang Misa ng Pasasalamat na sinasabayan ng mga awitingmakabayan na likha mismo ng mga Aglipayano bilang paggalang at pasasalamat sa ika-118 taon.

“Siguro ang pinakamagandang naging bunga ngayon ng ika-118 taon, sa gitna ng pandemic nandoon pa rin ang pagibayong pagpapakita ng Simbahan, na sa mga pag-uusig na ito, sa mga kapighatian nito, mananatiling tapat ang IFI sa paglilingkod sa Diyos at sa bayan na siya naman talagang kaniyang dakilang adhikain, sabi ni Miranda.

Hindi, aniya, masusukat ang tagumpay ng 118 sa istraktura, hindi sa mga negosyudad na malaking lupain na meron, kung hindi makikita ito umanongayon sa patuloy na pakikiisa ng Simbahan, sa patuloy na pagkalinga at pagtulong sa mga nangangailangan.

“At syempre hindi naman natin doon makikita ang tagumpay ng Simbahan kundi paano iminumulat ng Simbahan ang mga kasapi sa kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos at sa bayan, sabi pa ni Miranda.

Itinatag ang IFI noong ika-3 ng Agosto 1902. Si Obispo Maximo Gregorio Aglipay ang naging pangulo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here