Home Headlines Fetus iniwan sa simbahan

Fetus iniwan sa simbahan

1510
0
SHARE

Buong kalungkutang sinalaysay ni Vice-Mayor Jun Espino ang pagkadiskubre sa fetus.



SAMAL, Bataan
Isang patay na babaing fetus na tinatayang anim na buwan ang natagpuan sa harap ng St. Catherine Siena Parish Church dito Huwebes ng umaga.

Sinabi ni Samal Vice-Mayor Jun Espino na agad siyang sumugod sa simbahan matapos abisuhan sa nangyari.

Aniya, inakala ng nakakita na ito ay basura lamang ngunit nang buksan ay sanggol na pala na wala ng inunan at pusod at wala na itong buhay. Nakabalot umano ito sa isang lampin at nakasilid sa isang maliit na kahon ng juice.

Nagpatawag umano siya ng pulis, rural health workersat maging si Mayor Aida Macalinao ay inabisuhan niya.

Bago kinuha at iniayos ng health workers ang fetus ay binindisyunan muna ito ng pari.

“Nakakalungkot na nawalan ka ng isang taong magmamahal sa iyo at nakagawa ka ng isa pang kasalanan sa ating Panginoon,” sabi ni Espino sa kung sino man ang nagtapon sa bata.

“Mapapatawad ka pa rin naman ng ating Panginoon.Siguro kung dumating ang panahon na medyo madepress ka, lumapit ka sa ating simbahan, sa pari mangumpisal at mabigyan ng tawad ang iyong ginawa, dagdag ng vice-mayor.

Ayon kay Mayor Aida Macalinao, sa pag-aaral ng kanilang rural health physician, ang fetus ay anim na buwan at Miyerkules pa ng gabi ito iniwan sa simbahan dahil maputla na ito at marami ng pasa sa katawan.

“Nalulungkot ako dahil sa mga bagay na hindi naman dapat ginagawa at ito ay hindi magandang example sa mga Samaleño, sabi ng mayor.

Nag-utos umano siya sa pulisya at rural health center na iayos ng mabuti ang sanggol bago ilibing sa Catholic cemetery sa Samal.

“Nananawagan ako sa magulang kung sino man siya, humingi ka na ng tawad sa Panginoong Diyos at magsisi ka, na hindi hayop ang iyong anak ito ay tao. Kahit hayop minamahal natin, ‘yan pang tao na may buhay, sabi ni Macalinao.

“Kung nagkaroon ka man ng problema, naging mahirap ka man sana nabigyan mo ng magandang libing ang anak mo, dagdag pa ng mayor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here