Erich Gonzales bulilyaso na naman

    317
    0
    SHARE
    Bulilyaso na naman pala si Erich Gonzales. Hindi na naman pala matutloy ang scheduled airing sana ng Katorse this month. Nagsalita si Xian Lim kung bakit hindi naipalabas ang Katorse na launching teleserye ni Erich Gonzales, with him and Ejay Falcon as leading men.

    “Binagyo po kami sa location. Ilang beses na-delay ang taping namin at sabi mabibitin lang kung itinuloy ang pilot nito as scheduled,” paliwanag nito.

    May nagsasabi na nagkaroon ito ng problema sa MTRCB dahil sa maselang tema. Sa edad na katorse nga kasi, nabuntis na si Erich ni Ejay. Hindi rin daw maganda ang values na madadampot ng mga televiewers, lalo’t pambagets ang teleserye. May nagsasabi na kulang ang star value nito kung kaya’t idinagdag sa cast si Enchong Dee.

    Bukod sa Katorse, binabantayan na rin daw ng MTRCB ang role ni Hiyasmin at Alwyn Uytingco dahil sa edad na kinse anyos ng dalagita, nabuntis na rin ito ni Alwyn sa teleseryeng The Wedding.

    Matuloy pa kaya itong launching show sana ni Erich Gonzales?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here