Home Headlines Cascade of interventions

Cascade of interventions

739
0
SHARE

ITO ANG natapos ng San Miguel Corp., as of July 2026.

Nakatambak na ang humigit-kumulang 3,000 ektarya ng active deltaic floodplains ng Bulakan. Halos anim taon na ang lumipas, ngunit wala pa ring makabuluhang vertical structures na naitayo.

Bakit?

Sa aking pananaw, tila ipinapakita nito ang napakalaking hamon ng lokasyong pinili para sa proyekto. Napansin ko rin na noong 2023, matapos ang magkasunod na bagyo, umalis ang Boskalis (a dredging and heavylift company that provides services relating to the construction and maintenance of maritime infrastructure internationally, ayon sa company profile nito – Ed) sa proyekto. Para sa akin, nararapat itong maging bahagi ng isang independenteng pagsusuri sa pagiging angkop ng lokasyon.

This is known in engineering and systems thinking as a cascade of interventions, where solving one problem creates another that demands even greater investment.

Hindi ba’t iyan ang nakikita natin ngayon? Sa aking pananaw, tila kailangan ng proyekto ng sunod-sunod na engineering interventions at karagdagang financing upang magpatuloy. Lumabas din ang balitang naghahanap muli ng malaking pondo ang San Miguel, na para sa akin ay nagpapakita kung gaano kalaki ang magiging pangmatagalang gastusin ng proyekto.

If a project requires generations of increasingly complex engineering just to defend itself against the landscape it replaced, then perhaps the location—not the ambition—deserves to be re-examined.

Sa aking pananaw, ang nangyayari ngayon ay tila land banking. May mga ulat ding na-lease sa San Miguel ang mga foreshore wetlands sa Malolos, Paombong, at Hagonoy. Bilang mamamayan, naniniwala akong nararapat lamang na maging transparent ang mga kasunduang ito at masuri kung tunay bang naprotektahan ang interes ng publiko.

Ano ang dapat gawin?

  1. Itigil muna ang anumang karagdagang reclamation hanggang sa magkaroon ng isang independent, transparent, at science-based regional hydrologic assessment.
  2. Ipagbawal ang conversion ng mga agricultural lands at fishponds na nabili ng mga investors tungo sa industrial land. Ang mga ito ay hindi lamang sakahan at palaisdaan—bahagi rin sila ng natural flood-control system ng Bulacan bilang isa sa pangunahing labasan at atrasan ng tubig ng malaking bahagi ng Central Luzon at Camanava.
  3. Suriin kung maaaring maibalik, mabuksan, o mapalawak ang mga river outlets at tidal channels na naapektuhan ng reclamation, kung ito ay suportado ng siyentipikong pag-aaral.
  4. Protektahan ang lahat ng natitirang wetlands, mangroves, mudflats, fishponds, at floodplains laban sa karagdagang conversion.
  5. Ibalik at palawakin ang mangrove forests at coastal wetlands bilang natural na depensa laban sa baha, storm surge, at sea-level rise.
  6. Magtatag ng isang independent scientific commission na binubuo ng hydrologists, coastal engineers, geologists, ecologists, at mga unibersidad upang suriin ang kabuuang epekto ng proyekto sa buong Pampanga River Basin, Bulacan, Camanava, at Manila Bay.

Ang tunay na kaunlaran ay hindi sinusukat sa dami ng naitambak na lupa. Sinusukat ito sa kakayahan nitong protektahan ang tao, ang kalikasan, at ang susunod na henerasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here