Home Opinion Bawal na muli ang inuman sa kalye, videokeng maiingay

Bawal na muli ang inuman sa kalye, videokeng maiingay

2107
0
SHARE

1.

Sa panahong ang pangulo ng bansa’y si PRRD

ang pag-inom sa kalye ay ipinagbabawal na dati

pati pagbi-videoke sa kalaliman ng gabi

na tumamlay nang dahil sa  ningas kugon mentality

ngayon ay nagbabala ang DILG secretary

na ito’y ipaiiral sa paraang mas matindi

2.

Dahil ayon sa kalihim ay madalas na pagmulan

mga inuman sa kalye ng basagulo’t alitan

may mga nalalasing na wala na sa katinuan

na nangungursunada sa mga taong nagdaraan

ipagbabawal ding muli ang videoke o kantahan

sa kalaliman ng gabing sadyang nakabubulahaw

3.

Noon pa man pinagbawal na ng dating presidente

pag-inom  at paglalakad ng hubad sa mga kalye

ganoon din ang paglampas ng oras sa videoke

may katapat na parusa sa sino mang mahuhule

mapipilitang sumunod ang lahat ng residente

sa tulong ng kapulisang sa kanila’y manghuhule

4.

May ilang barangay pa rin naman ang nagpapatupad

sa matagal ng panahong pinaiirall na batas

sila’y hindi nadadaan sa anumang pakiusap

kahit kaibigan pa nila, kumpare at kamag-anak

ngunit mayrong kapitan at kusintidor na kagawad

na hindi mapagsabihan yaong mga lumalabag

5.

Natatakot ang iba na kanilang pagsisitahin

dahil baka sa halalan sila’y di na tangkilikin

gayan ang pag-uugali ng gahaman sa tungkulin

kahit mayroong lumalabag hindi nila pinapansin

ang kamay na bakal na siyang dapat sanang pairalin

di na dapat pagtakhan kung bakit hindi kayang gawin

6.

Buti na lang naisipan ni secretary Remulla 

na pamuling paigtingin ang nasabing ordinansa

sa ganitong paraan ay sisibol ang disiplina

nitong mga mamamayang tila di na alintana

lalo na ang kabataang sinasabing siyang pag-asa

nitong ating inang-bayan na sa kanya’y magsasalba

7.

Sana naman ipatupad ng maayos sa barangay

ng walang pinipili at sa paraang pantay-pantay

mga inuman sa kalye at videokeng maiingay

at ang mga tila sigang nakahubad sa lansangan

ang hangarin ng kalihim ay magiging matagumpay

sa tulong ng kawani ng gobyerno at kapulisan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here