Home Headlines Batas na magtatayo ng 2 kampus ng NEUST pirmado na 

Batas na magtatayo ng 2 kampus ng NEUST pirmado na 

646
0
SHARE

STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Nilagdaan nitong Huwebes ni Pangulong Duterte ang batas para sa pagtatayo ng regular na school campus ng isang state university sa magkahiwalay na bayan ng Unang Distrito ng Nueva Ecija.

Ito ang ibinalita ngayon ni Nueva Ecija 1st District Rep. Estrellita Suansing bilang pangunahing may-akda ng mga panukala sa pagtatayo ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) campus sa bayang ito at sa dulong munisipalidad ng Nampicuan.

Batay sa RA 11752, magtatatag ng NEUST campus sa bayan ng Sto. Domingo na kikilalanin bilang NEUST-Sto. Domingo Campus, samantalang ang RA No. 11753 naman ang magtatatag sa NEUST-Nampicuan Campus.

“Ang parehong NEUST campuses sa nasabing mga bayan ay inaasahan na mag-aalok ng iba’t ibang mga kurso, kabilang ang short-term, technical-vocational, undergraduate, at graduate courses na abot sa kanilang kakayahan,” pahayag ng mambabatas.

Katuparan ito, aniya, ng pangarap noon na higit pang mailapit ang kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral ng distrito.

“Hangad po natin na mas marami pang mga estudyante ang mahikayat na makapagtapos ng kanilang pag-aaral,” sabi ni Suanding.

Binigyang-diin niya na hindi lamang ang mga estudyante mula sa mga bayan ng Sto. Domingo at Nampicuan ang makikinabang kundi maging ang mga estudyante mula sa mga kalapit na bayan.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here