Home Headlines Aroganteng Romanian na walang face mask huli sa checkpoint

Aroganteng Romanian na walang face mask huli sa checkpoint

764
0
SHARE

LUNGSOD NG OLONGAPO — Kalaboso ang sinapit ng isang Romanian national makaraan itong masita sa checkpoint na walang suot na face mask at pagiging arogante nito sa mga  frontliners at barangay peacekeeping action team na nagbabantay sa Barangay Sta Rita sa lungsod na ito.

Kinilala ni Captain Joseph Albert Seño, Police Station 5 commander, ang suspek na si Gabriel Stangaciu y Mhai, 27, residente ng No. 586 Rosal Street, Barangay Sta Rita.

Ayon sa ulat pinadaan naman ang suspek pauwi sa kanyang bahay, subalit makalipas ang ilang minuto ay nagbalik ang nanggagalaiting suspek at aroganteng kinuwestyon ang trabaho ng mga frontliner kasunod ng pagbitaw ng hindi magagandang salita.

Dahil dito, humingi ng tulong ang mga frontliners sa mga kasamahang BPAT, at sa tulong ng pulisya ay kaagad na dinala sa himpilan ang suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong disobedience upon an agent of person in authority at city ordinance na ipinatutipad sa lungsod, ang mahigpit na kautusan sapagsuot ng face mask.

Ayon pa kay Seño,  patuloy nilang paiigtingin ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad sa kanilang nasasakupan alinsunod sa direktiba ni Olongapo City Police Office director Col. Benjamin de Leon Sembrano, Jr.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here