Home Headlines Araw ni Bonifacio: Knights of Columbus nanawagan ng pagkakaisa

Araw ni Bonifacio: Knights of Columbus nanawagan ng pagkakaisa

1268
0
SHARE

Nag-alay ng bulaklak kay Gat Andres Bonifacio sa bantayog ng mga bayani, Freedom Parkang mga kasapi ng Knights of Columbus Archbishop Gabriel  M. Assembly. Kuha ni Armand M. Galang 



LUN
GSOD NG CABANATUAN Hiniling ng isang samahan ng kalalakihang Katoliko ang pagtapos sa kultura ng pagkakawatak-watak at hidwaan ng kapwa Pilipino katulad ng nangyari kina Gat Andres Bonifacio at Gen. Emilio Aguinaldo.

Sa selebrasyon ng ika-157 kaarawan ni Bonifacio na ginanap sa Freedom Park ng Nueva Ecija sa lungsod na ito nitong Lunes ay nagkaisa ang mga moyembro ng Knights of Columbus Archbishop Gabriel M. Reyes Assembly o AGMRA na magsikap sa pagtataguyod ng pagkakaisa sa bansa.

“Ang gusto kong isabuhay natin sa panahong ito ay ang pag-iisa natin,” sabi ng academician na si Rolando Sta. Maria, past faithful navigator ng samahan. 

Hinikayat niya ang mga kasapi na maging halimbawa ng pagkakaisa sa sambayanan. Ang AGMRA ay samahan ng mga kasapi ng KofC na nasa fourth o patriotic degree.

“Noong simula pa lamang ay puro kaguluhan na ang ginagawa. Yung ating mga pinuno (ay) hindi nagkakasundo,” ani Sta. Maria.

Sa pamumuno ni Faithful Navigator Joey Gonzaga, ang samahan ay nag-aalay ng bulaklak sa imahe ni Bonifacio na kanilang inilagay sa bantayog ng mga bayani sa Freedom Park kung saan ginanap ang pagtataas ng pambansang watawat.

Ginunita rin nila ang mahalagang papel ni Bonifacio, ang supremo ng Kataas-taasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, sa paglaya ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Kastila.

Siniguro naman ng mga dumalo ang pagsunod sa public healrh standards na ipinatutupad ng gobyerno kaugnay ng paglaban sa coronavirus disease 2019.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here