Apology ni Cristine Reyes di tinanggap ni Ara Mina?

    101
    0
    SHARE

    Bagama’t nagbigay na ng public apology si Cristine Reyes kay Ara Mina, tila hindi pa rin ito matanggap ng huli.

    Matatandaang si Ara mismo ang nag-request kay Cristine na mag-public apology kung talagang sincere ito sa hangad na magkaayos sila.

    Ito ay kaugnay ng demanda ni Ara ng libel sa younger sister dahil sa mga text message nito sa kanya na hina-harass siya at nilalait ang pagkatao niya.

    Matatandaan pa ring ang pag-aaway ng magkapatid ay may kinalaman sa pera  kung saan ay sinisingil ni Cristine ang ate niya sa ipinang-down niya sa isang property na binili nila para sa ina.

    Pagkatapos masampahan ng demanda ay nagpahayag si Cristine ng intensyon na magkasundo sila ng ate niya pero ang request nga ni Ara ay mag-public apology muna ang kapatid.

    Last Sunday ay ginawa na ni Cristine ang public apology sa The Buzz.

    “I’m sorry and I would like to apologize if ever I offended you, sumama ang loob mo sa akin. I tried my best na pumunta sa iyo, alam mo iyan, ate. Sinabi ko pa iyan sa ’yo na kung gusto mo, luluhod ako sa harapan mo.

    “Sana lumambot na ang puso mo sa akin para maayos na itong gulo, para tahimik na, para sa ikakatahimik ng pamilya natin,” pahayag ni Cristine sa ere.

    Wala pang official reaction si Ara tungkol dito at nag-post lang siya sa kanyang Twitter account ng isang quotation.

    “A stiff apology is a second insult… The injured party does not want to be compensated because he has been wronged; he wants to be healed bec he has been hurt. — G.K. Chesterton,” tweet ni Ara.

    Obviously, ang pinatutungkulan dito ni Ara ay ang kapatid na si Cristine.

    Ni-retweet din ni Ara ang ilang post ng kanyang mga follower sa kanya pero hindi naman malinaw kung ganito rin ang nararamdaman niya.

    “RT @lavender_22185: RT @bubblyluchz: I can’t feel, sense & see the sincerity of Cristine Reyes while apologizing in #TheBuzz ? However, hope it’ll heal your wounds @realAraMina,” retweet ni Ara.

    Well, sa nakikita namin, mukhang kailangan talagang patunayan ni Cristine na sincere siya sa pakikipagbati sa kanyang ate at palagay namin, kailangan din niya itong ipakita sa aksyon at hindi sa salita lang.

    At this point in time kasi, may makikita kang kaunting motibo sa parte ni Cristine.

    Marami siyempre ang nag-iisip (at siguro pati na rin si Ara) na kaya siya nag-a-apologize ay para iurong ang kaso sa kanya at hindi para makipag-ayos talaga.

    Mas maganda pa kung sinabi na lang ni Cristine na haharapin niya ang kaso  kung ’yon ang gusto ng kanyang kapatid at tatanggapin niya ang parusa kung sakali, mapatunayan lang na nagsisisi siya.

    For us, that would be a perfect example of a sincere apology.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here