Home Headlines Aglipayano nagsagawa ng motorcade ng Sto. Nino

Aglipayano nagsagawa ng motorcade ng Sto. Nino

278
0
SHARE

SAMAL, BataanNagsagawa ang Iglesia Filipina Independiente (IFI) o Aglipay Church sa bayang ito ng motorcade ng mga imahen Sto. Nino Linggo ng hapon.

Sakay ang mga imahen ng tricycle, open van at ng motorsiklo at lumibot sa kalakhang bahagi ng mga barangay sa kabayanan ng Samal.

Iba-iba ang suot ng mga Sto. Nino na noong wala ang pandemya ay napakahabang prusisyon ang ginaganap sa kapistahan nito.

Ipinagdiriwang ng mga Aglipayano ang kapistahan ng Poong  Sto. Nino sa ikatlong Linggo pagkatapos ng Epiphany.

Ang mga imahen ay binendisyunan ni Fr. Roderick Miranda, IFI Samal parish priest, matapos ang isang Banal na Misa Linggo ng umaga.

SHARE
Previous articleJudgment call
Next articleRESOLUSYUN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here