Home Headlines 102-anyos ‘di nakaligtas sa Covid   

102-anyos ‘di nakaligtas sa Covid   

1849
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isang 102-anyos na lalaki sa Bataan ang hindi nakaligtas sa coronavirus disease matapos mapabilang ito sa siyam na bagong nasawi noong Huwebes, ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes.

Ang matanda ay mula sa Balanga City at isa sa nagpataas sa kabuuang bilang ng mga pumanaw sa 976.

Ang iba pang mga bagong namatay sa Covid–19 ay 49-anyos na babae at 89-anyos na lalaki sa Abucay, 69-anyos na lalaki sa Bagac, 76-anyos at 22-anyos na parehong lalaki sa Balanga City, 67-anyos na babae sa Limay, 24-anyos na lalaki sa Mariveles, at 72-anyos na lalaki sa Orani.

Sa kasalukuyan, 26,835 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo na ang 3,085 ay mga aktibong kaso nang magtala ng 131 bagong kumpirmadong kaso.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay mula sa Dinalupihan – 43, Balanga City – 31, Mariveles – 14, Samal – 10, Abucay – 9, Hermosa – 5, Morong – 5, Bagac – 4, Pilar – 4, Orani – 3, Limay – 2, at Orion – 1.

Umabot naman sa 22,774 ang mga nakarekober matapos magkaroon ng 169 na mga bagong gumaling: Balanga City (52), Limay (33), Dinalupihan (26), Samal (19), Abucay (10), Orion (8), Bagac (7), Mariveles (7), Pilar (3),  Orani (3), at Morong (1).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here