Opinion
‘Justice delayed, Justice denied’
By Felix M. Garcia
Jul 30, 2010
Kahit batid nilang di birong panganib
Ang kakaharapin sa pagpupumilit
Na maiharap sa ating Bar of Justice
Ang ilang posibleng sa kaso ay dawit.
At alam din nilang kadalasa’y hirap
Pati na ang tagapag-ingat ng batas
Na maipairal n’yan ng buong tapat
Ang paghimay ayon sa sukatang patas
Partikular laban sa mga maykaya,
Na kalimitan ay posibleng kasangga
Ng nakatataas at maimpluwensya,
Kung kaya’t mailap minsan ang hustisya
At di ang tunay na maysala ang siyang
Nabibilanggo at napaparusahan;
Kundi ang kawawang sunud-sunuran
Sa utos ng ilang makapangyarihan.
O ng naghaharing angkan, na kabaya
Ng mga Ampatuan at ibang suspek pa,
Sa karumaldumal at maka-hayop na
Pagpatay sa aming kapatid sa Media
At sa marami pang mga walang malay
Na wala ring taros na pinagpapatay
Ng mga demonyo sa tabi ng daan,
Saka ibinaon sa iisang hukay.
Kaya tunay naman ding napakasakit
Ang sinapit pati ng mga Journalists,
Na ang pakay lang ay mangalap, maghatid
Ng pagbabalita sa puntong nabanggit.
Pero ng dahil lang sa pagtupad nila
Ng tungkuling dapat ihayag sa masa,
Panganib lagi ang kaakibat tuwina
Lalo’t ang usapin ay pampulitika.
At ng bantang kung di itikom ang bibig
Sa pagsisiwalat ng anumang nais
Nilang ilantad ay posibleng iligpit,
Gaya ng ginawa sa ilang Journalists
Na paisa-isang itinotomba riyan
Ng nakararaming salot ng lipunan,
Na kagaya nitong pinatay kailan llang
Sa ibang dako ng ating kapuluan.
Na di pa rin lutas pati ang naunang
Pagpaslang, bunsod ng sobrang kabagalan
Ng ilang ahensya ng pamahalaan
Na dapat tumutok nitong nakaraan.
Kung saan pati na posibleng testigo
Na puedeng magamit ng ating husgado
Upang matatag na tumayo ang kaso
Ay takot humarap at isakripisyo
Ang sarili, pagkat ang kinakailangang
Proteksyong dapat ibigay sa sinumang
Nais tumestigo’y walang katiyakan
Na matatamo ng kinauukulan.
Sa kung ilang administrasyong nagdaan,
Partikular na kay Gloria Macapagal,
Kung saan ang ‘media killings’ na naturan
Ay lumobo sa kanyang kapanahunan.
Sa puntong yan wala kaming tanging hiling
Kay P-Noy kundi ang sana’y bigyang pansin
Ng kanyang mandato itong ‘media killings’
Na maipakulong ang mga salarin;
{Pati kung sino ang talagang bumaril
Kay Ninoy - na dating kabilang sa amin}
Ang kakaharapin sa pagpupumilit
Na maiharap sa ating Bar of Justice
Ang ilang posibleng sa kaso ay dawit.
At alam din nilang kadalasa’y hirap
Pati na ang tagapag-ingat ng batas
Na maipairal n’yan ng buong tapat
Ang paghimay ayon sa sukatang patas
Partikular laban sa mga maykaya,
Na kalimitan ay posibleng kasangga
Ng nakatataas at maimpluwensya,
Kung kaya’t mailap minsan ang hustisya
At di ang tunay na maysala ang siyang
Nabibilanggo at napaparusahan;
Kundi ang kawawang sunud-sunuran
Sa utos ng ilang makapangyarihan.
O ng naghaharing angkan, na kabaya
Ng mga Ampatuan at ibang suspek pa,
Sa karumaldumal at maka-hayop na
Pagpatay sa aming kapatid sa Media
At sa marami pang mga walang malay
Na wala ring taros na pinagpapatay
Ng mga demonyo sa tabi ng daan,
Saka ibinaon sa iisang hukay.
Kaya tunay naman ding napakasakit
Ang sinapit pati ng mga Journalists,
Na ang pakay lang ay mangalap, maghatid
Ng pagbabalita sa puntong nabanggit.
Pero ng dahil lang sa pagtupad nila
Ng tungkuling dapat ihayag sa masa,
Panganib lagi ang kaakibat tuwina
Lalo’t ang usapin ay pampulitika.
At ng bantang kung di itikom ang bibig
Sa pagsisiwalat ng anumang nais
Nilang ilantad ay posibleng iligpit,
Gaya ng ginawa sa ilang Journalists
Na paisa-isang itinotomba riyan
Ng nakararaming salot ng lipunan,
Na kagaya nitong pinatay kailan llang
Sa ibang dako ng ating kapuluan.
Na di pa rin lutas pati ang naunang
Pagpaslang, bunsod ng sobrang kabagalan
Ng ilang ahensya ng pamahalaan
Na dapat tumutok nitong nakaraan.
Kung saan pati na posibleng testigo
Na puedeng magamit ng ating husgado
Upang matatag na tumayo ang kaso
Ay takot humarap at isakripisyo
Ang sarili, pagkat ang kinakailangang
Proteksyong dapat ibigay sa sinumang
Nais tumestigo’y walang katiyakan
Na matatamo ng kinauukulan.
Sa kung ilang administrasyong nagdaan,
Partikular na kay Gloria Macapagal,
Kung saan ang ‘media killings’ na naturan
Ay lumobo sa kanyang kapanahunan.
Sa puntong yan wala kaming tanging hiling
Kay P-Noy kundi ang sana’y bigyang pansin
Ng kanyang mandato itong ‘media killings’
Na maipakulong ang mga salarin;
{Pati kung sino ang talagang bumaril
Kay Ninoy - na dating kabilang sa amin}
- Continuing Crusade
- This extremely-driven life
- ‘Synchronized Barangay & SK Election,’ tuloy?
- A patron, still
- Patience: The taming of your passion
- ‘Synchronized Barangay & SK Election,’ tuloy?
- Oca for laughs
- Legal ‘matters’
- Di lang ‘Pambansang Wika’
- ‘Tagumpe nang Oca, tagumpe ring malda’
- Ricafort’s forte
- It’s better never late
|
||
|
||
|


.jpg)
