Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Lovi Poe disowns Cong. Ronald Singson
By Ceasar Pambid

Jul 28, 2010

Sa stance na halos masuka si Lovi Poe sa tuwing nagsasalita tungkol kay Congressman Ronald Singson. Pinalabas ni Lovi na walang katothanan na mayrelasyon sila ni Ronald. Kumbaga, her camp makes us believe na talagang friends lang ang dalawa.

Anyway, it was Governor Chavit himself who is telling media people na ang dahilan ng pagpunta ni Ronald sa Hongkong nang madakip siyang may dalang cocaine ay dahil sa break up nila ni Lovi. Na dahil dismayed ang kongresista, niyaya siya ng mga kaibigan to while away time in Macau. Gusto raw nitong maghapi-hapi para nga ma-console ito sa naganap na break up.

Alangan namang imbentuhin ni governor ang mga pinagsasabi niya. Di po ba? Isa pa, open secret naman talaga na may relasyon na ang dalawa noon pa man. Kitang-kita yun sa mga ikinikilos nila kapag magkasama silang dalawa.

Anyway, nilinaw ng manager ni Lovi Poe na si Leo Dominguez na hindi kasama ang kanyang alagang si Lovi sa trip sa Hong Kong ng rumored BF niyang si Cong. Ronald Singson.

Kasi sa balita, naaresto ng HK police si Cong. Ronald for possession of illegal drugs na kasama nga si Lovi Poe. Sabi ni Leo, naririto sa Pilipinas si Lovi dahil may Party Pilipinas ang singer-actress tuwing Sunday at may three days ding rehearsal para sa naturang show.

Tungkol naman sa relasyon kay Cong. Ronald, walang inaamin si Lovi na sila na simula pa noon. Madalas niyang sinasabi, close sila ni Ronald pero walang commitment sa isa’t isa.

Sa interview nga ng press kay  Gov. Chavit Singson, nasabi niyang nag-break na ang anak niyang si Cong. Ronald Singson at Lovi  Poe noong gabi pagkatapos ng Usher concert sa SM Mall of Asia.

Samantala, some sources na allege ang dahilan umano ng break-up nina Lovi at Ronald ay ang pagpasok sa buhay ni Lovi ng bago nitong leading man na si Rocco Nacino.

Madalas magkita sina Lovi at Rocco sa Party Pili-pinas rehearsal at sa mismong show tuwing Sunday na labis daw na ipinagseselos ni Cong. Ronald. At ang grabeng selos daw na umatake kay Cong. Ronald ay nu’ng magpunta sina Lovi at Rocco sa Palawan para i-shoot ang bagong episode ng Lovebug.

Magmula raw noon, ma-dalas  na bigla na lang umii-yak si Lovi. Balita pa nga sa press na ang  shoulder-to- cry on ni Lovi ay si Rocco, na lalo raw ipinagselos ni Cong. Ronald.

Pero, sa presscon ng  Kaya ng Powers kung saan mainstay si  Rocco, sinabi ng binata na best of friends lang sila ni Lovi, although  inamin niyang isa si Lovi sa mga crush niya sa showbiz.

So there! 






Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions