Opinion
‘Justice delayed, Justice denied’
By Felix M. Garcia
Jul 28, 2010
Walong buwan na mahigit mula nang maganap
Sa Maguindanao ang pinaka-talamak
At maka-hayop na pagpaslang at sukat
Sa mga sibilyan at mamamahayag
Ng hinihinalang kampon nitong isang
Makapangyarihan at kinikilalang
Angkan sa lalawigan ng Maguindanao,
Na ka-alyado ni Gloria Macapagal.
Pero hanggang ngayon tila ‘pending’ pa rin
Ang imbestigasyon o anumang ‘hearing’
Na kinakailangang isulong at dinggin
Ng DOJ o ng ‘court of justice’ natin.
Kung saan bunsod ng lubhang kabagalan
Ng ika nga ay ‘due process’ na kailangan,
Lalayo pa ba sa ang kahantungan n’yan
Ay posibleng ‘dismissed’ lang sa kalaunan?
Sa kadahilanang baka ang husgado,
Partikular na ang ‘prosecution’ mismo
Ay wala ng mai-prisintang testigo
Kapag tumagal ang pagbista sa kaso?
Pagkat di malayong iisa-isahing
Sila’y ililigpit at/o dudukutin
Para tuluyan ng ya’y patahimikin,
Gaya nang nangyari sa naunang ‘victim’
At sa iba pa r’yang posibleng ‘witnesses’
Na nawawala na’t di na mai-’present’
Ng DOJ sa alin mang ‘court of justice’
Sa oras ng ‘presentation of evidence’
Kaya’t marapat lang na maging maagap
Ang DOJ at ang iba pang alagad
Ng ating hustisya upang di lumigwak
Ang kaso laban sa kampon ni Satanas;
Na ang lahat na ay di malayong gawin
Nitong mga suspek para lang linisin
Ang pangalan, kahit milyones ang hingin
Ng kung sinumang pupuede nilang bilhin.
Sukdang magpapatay uli at gumamit
Ng dahas gaya ng naunang nabanggit,
Upang ang sarili’y iabsuweltong pilit
Sa pagka-bilanggo matapos malitis.
Pagkat tunay namang mas maliwanag pa
Sa sikat ng araw base sa istorya
Ng mga testigo ang sabi’y brutal na
Pagpatay ni Andal sa mga biktima
Kaya’t kung talagang ang kasong naturan
Ay sa ‘fair and impartial trial’ dadaan,
Walang pasubaling di mahahatulan
Ng ‘multiple life’ ang batang Ampatuan
Kasama pati na ilang alipores
Ng utak demonyong pinaka-’prime suspect’
Nitong ang sabi nga natin ay ‘murder case’
Na maituturing na ‘most celebrated
Politic related’ na kasong pagpatay
Pati sa ’ting kapatid sa hanapbuhay,
At kaawa-awang mga walang malay
Na sibilyang pawang mga napadamay.
Dahil diyan, ang media – ‘in print or in broadcast,
Ay di maglulubay sa lahat ng oras
Sa pagkatok sa ‘ting mga otoridad,
Hanggang sa ang kasong ito ay malutas.
(May karugtong)
Sa Maguindanao ang pinaka-talamak
At maka-hayop na pagpaslang at sukat
Sa mga sibilyan at mamamahayag
Ng hinihinalang kampon nitong isang
Makapangyarihan at kinikilalang
Angkan sa lalawigan ng Maguindanao,
Na ka-alyado ni Gloria Macapagal.
Pero hanggang ngayon tila ‘pending’ pa rin
Ang imbestigasyon o anumang ‘hearing’
Na kinakailangang isulong at dinggin
Ng DOJ o ng ‘court of justice’ natin.
Kung saan bunsod ng lubhang kabagalan
Ng ika nga ay ‘due process’ na kailangan,
Lalayo pa ba sa ang kahantungan n’yan
Ay posibleng ‘dismissed’ lang sa kalaunan?
Sa kadahilanang baka ang husgado,
Partikular na ang ‘prosecution’ mismo
Ay wala ng mai-prisintang testigo
Kapag tumagal ang pagbista sa kaso?
Pagkat di malayong iisa-isahing
Sila’y ililigpit at/o dudukutin
Para tuluyan ng ya’y patahimikin,
Gaya nang nangyari sa naunang ‘victim’
At sa iba pa r’yang posibleng ‘witnesses’
Na nawawala na’t di na mai-’present’
Ng DOJ sa alin mang ‘court of justice’
Sa oras ng ‘presentation of evidence’
Kaya’t marapat lang na maging maagap
Ang DOJ at ang iba pang alagad
Ng ating hustisya upang di lumigwak
Ang kaso laban sa kampon ni Satanas;
Na ang lahat na ay di malayong gawin
Nitong mga suspek para lang linisin
Ang pangalan, kahit milyones ang hingin
Ng kung sinumang pupuede nilang bilhin.
Sukdang magpapatay uli at gumamit
Ng dahas gaya ng naunang nabanggit,
Upang ang sarili’y iabsuweltong pilit
Sa pagka-bilanggo matapos malitis.
Pagkat tunay namang mas maliwanag pa
Sa sikat ng araw base sa istorya
Ng mga testigo ang sabi’y brutal na
Pagpatay ni Andal sa mga biktima
Kaya’t kung talagang ang kasong naturan
Ay sa ‘fair and impartial trial’ dadaan,
Walang pasubaling di mahahatulan
Ng ‘multiple life’ ang batang Ampatuan
Kasama pati na ilang alipores
Ng utak demonyong pinaka-’prime suspect’
Nitong ang sabi nga natin ay ‘murder case’
Na maituturing na ‘most celebrated
Politic related’ na kasong pagpatay
Pati sa ’ting kapatid sa hanapbuhay,
At kaawa-awang mga walang malay
Na sibilyang pawang mga napadamay.
Dahil diyan, ang media – ‘in print or in broadcast,
Ay di maglulubay sa lahat ng oras
Sa pagkatok sa ‘ting mga otoridad,
Hanggang sa ang kasong ito ay malutas.
(May karugtong)
- Continuing Crusade
- This extremely-driven life
- ‘Synchronized Barangay & SK Election,’ tuloy?
- A patron, still
- Patience: The taming of your passion
- ‘Synchronized Barangay & SK Election,’ tuloy?
- Oca for laughs
- Legal ‘matters’
- Di lang ‘Pambansang Wika’
- ‘Tagumpe nang Oca, tagumpe ring malda’
- Ricafort’s forte
- It’s better never late
|
||
|
||
|


.jpg)
