Showbiz
Pokwang di apektado sa pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee
By Ceasar Pambid
Jul 26, 2010
Dahil hayagan ang pagkalaban ni Pokwang kay Willie Revillame, heto ngayon at di umano, babalikan siya ni Willie Revillame.
Kakabit kasi ng balitang babalik na si Willie Revillame sa Wowowee ay ang balitang hiniling raw niya sa ABS-CBN management na palitan na ang ilan sa mga female co-host niya, numero uno na rito si Pokwang.
Sa taping ng Banana Split ay nagbigay ng reaction si Pokwang tungkol dito.
“Kung yun talaga ang nararapat na gusto ng management, di tanggapin na natin, hindi ba? Tuloy lang ang trabaho. Kung may trabaho, e, di tuloy. Kung wala, e, di pahinga,” turan niya.
Wine-welcome daw niya ang pagbabalik ng TV host dahil hindi naman daw niya pagmamay-ari ang show at hindi sa kanya ang ABS-CBN. Dapat daw tanggapin kung sino ang umaalis at bumabalik.
Pero kaya ba nilang patakbuhin ang show kahit wala si Willie?
“Ilang beses na bang nawala si Kuya, hindi ba? Nandito lang kami para ituloy ang trabaho para patuloy na sumusuweldo yung mga taong mas maliit pa ang kinikita sa amin,” sabi niya.
Wala raw silang komunikasyon sa ngayon ni Willie.
“Alam mo, hindi kami palaging ganito. Darating ang panahon talagang magkakaayos din kami. Ang hindi lang maganda kasi pinapalala ng mga nasa paligid,” aniya.
Totoo bang sinabi nila ni Mariel Rodriguez na aalis sila kung babalik si Willie Revillame?
“Pag pinaalis kami, di aalis kami. Tingnan natin kung ano talaga ang mangyayari. Wala kaming sinasabing ganoon. Ayaw ko nang magsalita,” sambit ni Pokwang.

- “Hindi ko naging girlfriend si Kim Chui!” –GERALD ANDERSON
- Dahil pabalik-balik sa Hongkong… Lovi Poe sira na’ng kredibilidad!
- Marian Rivera, karma sa buhay niya si Bela Padilla?
- Walang inggitan kina Alex at Toni Gonzaga
- Angelica P pinagbantaan nga ba ni Claudine Baretto?
- Nakademanda… Mga tseke ni Diether Ocampo, nagsipagtalbugan
- Angelica Panganiban pinagbawalang sagutin ang akusasyon ni Claudine Baretto
- Bagong lipat na male starlet pinagsamantalahan ng mga baklitang staff ng bagong reality show
- Vice Ganda inspired na makatapat ang Eat Bulaga!
- ‘Walang makaaagaw sa akin kay Dingdong!’ –MARIAN
- ‘I’ll go wherever Robin takes me!’ –MARIEL
- Venus Raj, kulelat sa top 5 sa Miss U!

.jpg)