Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Sila na talaga… Milyong pisong singsing ang bigay ni Binoe kay Mariel Rodriguez
By Ceasar Pambid

Jul 23, 2010

Pahulaan nga talaga noon pa yung tunay na relasyon nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. But the way things are now, the truth is taking  shape.

May nag-text sa amin kahapon, tinatanong kung totoo bang binigyan ni Robin Padilla ng worth P1M na singsing si Mariel Rodriguez.

Bago sa pandinig namin ang naturang issue lalo pa nga’t wala pa namang opisyal na inaamin ang dalawa kung may relasyon nga ba sila o wala.

Ang alam namin, talagang may feelings na namumuo base na rin sa consistent na pagkaka-link sa kanila at sa rami na rin ng nakakakita sa kanilang magkasama.

Ang balita ring nakarating sa amin, love at first sight ang dumapo kay Binoe para kay Mariel at hindi maikakaila na in love ngayon ang action star.

Pero dahil consistent si Mariel sa pagde-deny, nalilito tuloy ang lahat kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila.

Tinanong nga ng nag-text sa amin kung bakit panay ang deny ni Mariel gayung tumanggap na pala ito ng singsing na worth P1M mula kay Binoe?

Well, kapag nakita namin si Mariel, itatanong namin.

Pero handa na kami sa isasagot niya tiyak, no, not true, ang isasagot niya.





Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions