Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Dinaya sa Bb. Pilipinas si Nicolette Henson (siya at di si Krissa Mae ang dapat na nanalo)
By Ceasar Pambid

Mar 12, 2010

Kagaya namin, marami pala ang nanlumo nang di makuha ang isa sa mga major titles ng Pampanga bet ng Bb. Pilipinas na si Candidate #18 na si Helen Nicolette Henson. Hindi ko talaga matanggap kung bakit gayung runaway choice siya na sa maraming special prizes including the Mis Photogenic title, Miss Fit & Right and Miss Philippine Airlines ay kung bakit nga she just landed sa huling runner up position.

We we personally think, and we believe, marami ang nagse-share sa opinion na ito na talagang dinaya si Helen Nicolette.

Anyway, it not her loss, ang Pilipinas ang naargabyado dahil nga mala-diyosa ang kagandahan ng Pampanga beauty na almost sure na naging winner sa alin mang international beauty competition para sa mga nanalo. Anyway, nagging Mutya Ng Kapampangan si Helen Nicolette, and maybe, she can now concentrate sa corporate world na dapat niyang galawan. She is a Broadcast Journalism graduate at alam naming talaga namang she can easily qualify bilang broadcaster either sa national scene o sa local area where she hails.

Helen Nicoleete is from Del Pilar, City of San Fernando at kabarangay naming siya. We know her dad, BM Rosve Henson at sister ni Dein Henson. Both men are political idols in their own right na maraming naipakitang galing sa kanilang mga constituents. Easily, puwede na naming sabihing Nicolette is as inteligent as the two men we just mentioned.

It’s time na nga siguro for Nicolette to compete with life at iwanan na ang mga walang naman talagang kapararakang beauty contests. She has proven na maganda siya, inetlehente, and most of all, puwedeng reyna ng kagandahan dahil talaga naming maganda siya.

Di ba, Mrs. Sonia Dela Peña?

In connection with Nicolette’s loosing, maugong ang tsikang “luto” raw ang pagkapanalo ni Krissa Arrieta Kleiner, mas kilala sa showbiz na Krissa Mae at nali-link noon kay Polo Ravales at ngayon ay dyowa ni JayR.

May nagsulat kasi na isa sa mga korona sa Bb. Pilipinas beauty contest ay siguradong mapupunta raw kay Krissa Mae gayong nagsisimula pa lang ang naturang beauty contest.

Kaya nang tanghaling Bb Pilipinas-International si Krissa Mae, lalong umugong na nagkaroon nga raw ng “lutuan” sa beauty contest.

Napanood namin ang Coronation Night sa TV at maging kami ay nagulat sa pagkapanalo ng mga binigyan ng titulo..

Sa beauty contest ay hindi lang tangkad at talino ng candidate ang dapat isaalang-alang para manalo.

Importante rin ang ganda ng isang candidate para kahit paano ay makakuha ito ng attention kapag inilaban na sa ibang bansa.

Dito nga fit and right sana si Nicolette Henson na dinaya lang kaya tinalo ni Krissa Mae.





 

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions