Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Daiana Menezes sinuwerte kay Zhivacker (Suwertihin din kaya kay Vic Sotto?)
By Ceasar Pambid

Mar 10, 2010

Unti-unting sinusuwerte si Daina Menezes. Mula kasi nang maging sila na ni Sam YG or Zhivacker, sunud-sunod na’ng mga suwerte sa buhay niya. Look, siya na ngayon ang leading lady ni Vic Sotto sa tv version ng Ang Darling Kong Aswang.

Kinumpirma ni Direk Bert de Leon sa presscon ng Pepito Manaloto starring Michael V, Manilyn Reynes, Carmina Villarroel, John Feir, atbp. na magkakaroon ng TV version ang movie ni Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang sa TV 5. Pero ang magiging title na raw ay My Darling Aswang na si Daiana Meneses ang kanyang leading lady at hindi si Cristine Reyes.

Sabi pa ni Direk, magsi-simula na silang mag-taping wala pa nga lang airing date , pero malamang daw ay sa Sunday slot ito ilagay.

Tsika pa na dapat daw ay si Pia Guanio ang kapareha ni Vic sa TV version ng Ang Darling Kong Aswang, pero hindi raw pinayagan ng GMA7 si Pia kaya ini-request na lang daw ng girlfriend ni Bossing si Daiana Meneses.

Biglang na-out sa picture si Cristine Reyes. Pinagselosan kaya ito ni Pia?

Puwedeng hindi naman ubra si Cristine dahil may kontrata rin naman ito sa Dos at tiyak, di rin siya papayagan ng naturang network.        




 

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions