Headlines
KAGAYA NG BASKETBALL
Darts, chess dapat suportahan – Pinggoy
Darts, chess dapat suportahan – Pinggoy
By Joey Aguilar
Mar 10, 2010
LUNGSOD NG ANGELES – Maliban sa larong basketball, dapat ding suportahan ang ibat-ibang mga palaro kagaya ng darts at chess.
Ito ang naging pahayag ni Atty. Angelo “Pinggoy” Lopez sa ginanap na Pinggoy Lopez, Team Agyu Tamu Darts Tournament noong Sabado ng gabi sa Barangay Virgen Delos Remedios dito.
“Dapat na bigyan ng sapat na suporta ang mga manlalaro sa mga barangay upang lalo silang sumipag na magsanay. Dito naguumpisa ang tagumpay,” ani Lopez na kumakandidatong konsehal sa lungsod na ito.
Si Lopez ay naging manlalaro ng Taekwondo sa Holy Family Academy noong high school at naglaro din sa University of Santo Tomas nang siya ay magkolehiyo . Subalit pinag-laanan niya ng oras ang pag-aaral ng pagka-abogado kaya napilitan siyang tumigil pansamantala sa paglalaro.
Ang darts tournament ni Lopez ay nilahukan ng 20 manlalaro ng darts sa nasabing barangay. Ang pangalawang yugto nito ay tatapusin sa Sabado.
Ani ng organizer na si Remedios Ponce, ang palaro ay paghahanda sa nalalapit na “Agyu Tamu Sports Fest, Atty. Edgardo Pamintuan Darts Tournament” na gaganapin sa Abril 9-10 sa SM City Clark.
Inaasahan na sasali ang mga magagaling na manlalaro ng darts sa lungsod na ito sa nasabing torneyo.
Ani naman ni Pamintuan, dapat magkaroon ng regular na palaro ang ibat ibang mga palakasan kagaya ng darts, chess, pingpong at iba pang mga “indoor” games kagaya ng basketball upang maging abala ang mga kabataan sa palakasan at makaiwas sa bisyo lalo na sa mga ipinagbabawal na gamot.
“Maaalalang naging over-all champion tayo sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) noong 1994 at 1995 dahil binigyan natin ng kahalagahan ang bawat manlalaro, maging ang kanilang mga trainers at coach,” ani Pamintuan na ngayo’y kumakandidatong muli ng pagka-alkalde sa lungsod na ito.

- DPWH RECORDS SHOW:
P4.6-B used for anti-flood projects in Pampanga - CAPAS OR MONTALBAN
2 landfills eyed for Angeles garbage - Probers in Tetangco murders hunt driver from Nueva Ecija
- Rehab ng open dumpsite sa likod ng ospital sinimulan na
- OCD TO NCR, PAMPANGA, BULACAN:
‘Be prepared for earthquakes’ - Clark airport’s HR coerced
- CELEBRATE WITH 50% OFF SYSTEM-WIDE SALE
CEB flies 45 millionth passenger - CSF launches ‘Task Force Illegal Structure’
- Arrest of ‘serial killer’ gives way to hunt for coddlers, loose arms
- Fire guts down 2-storey building
- NFA: No spoiled rice in Bulacan

.jpg)