Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Judy Ann Santos buntis na!
By Ceasar Pambid

Mar 03, 2010

Buntis na si Judy Ann Santos at siyempre, si Ryan Agoncilio ang ama, sino pa!

Hulog  ng langit ang biyayang  ito sa  mag-asawang  Juday at Ryan Agoncillo dahil  ito ay  matagal-tagal din nilang inaasam.

Nang huli naming nakausap ang aktres, masaya niyang ibinalita na paalis sila ni Ryan for a European trip ngayong Abril. Biniro pa nga namin siya na malamang ay doon na nila gawin ng asawa ang kanilang magiging anak. 

Matagal-tagal din ang panahong hinintay nina Juday at Ryan.  May mga pagkakataong pati kami ay nakukulitan na rin sa katatanong sa mag-asawa kung kailan sila  magkakaanak. Dahil may magandang baby Yohan na sina Ryan at Juday, hinuhulaang baby boy naman ang   ipagbubuntis ng batang superstar.  Pero kung si Juday ang tatanungin, kahit babae o lalaki pa ang ipagkaloob sa kanila, maluwag sa puso nilang tatanggapin.  Ganito  ka-excited si Juday na maging isang full-fledged mom.

In just a few month’s time, may little Ryan o little Juday nang aabangan ang  mundo ng showbiz.




Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions