Showbiz
Christian Bautista sa Indonesia maghahanap ng bagong girlfriend
By Ceasar Pambid
Feb 09, 2010
After Jericho Rosales na sumikat sa ibang bansa, ngayon ay si Christian Bautista naman ang kasunod.
Nakatanggap ng offer si Christian mula sa Indonesia para gumawa ng isang Indonesian TV series at excited na nga ang singer about it.
Although hindi pa naman niya tinatangap ang alok, malaki ang posibilidad na magkasaraduhan sila especially kung magiging maganda naman ang takbo ng usapan.
Pero aniya, kahit tanggapin niya ang offer ay never niyang iiwan ang ASAP XV every Sunday. ’Yun nga raw ang hihilingin niya sa producer – ang payagan siyang lumipad every week para mag-report sa nasabing variety show.
“Hindi naman po ako titira na talaga doon kasi, malapit naman siya sa Pilipinas, it’s 3 hour-flight. Parang Hong Kong lang. Ayoko talagang iwan ang ASAP as much as possible. Very important sa akin ang ASAP, ang samahan, ang mag-perform do’n at saka ang ASAP, nakikita mo sa TFC, so ang talagang priority ko talaga is here in the Philippines,” sabi ni Christian sa presscon ng kanyang nasabing upcoming concert.
Ayon pa sa singer, ikinagulat niya raw talaga na gusto siyang kunin sa isang TV series sa Indonesia at gawin siyang Indonesian actor. Matatandaang nagpunta si Christian sa nasabing bansa before para i-promote ang kanyang single na Tetaplah Dihatiku (Jose Mari Chan’s Please Be Careful With My Heart) kaya siguro napalapit siya sa mga tao roon.
But first, kailangan daw muna niyang matuto ng lengguwahe ng mga ito which is Bahasa at may mga kaunti na nga raw siyang alam ngayon.
Samantala, natanong kay Christian kung sino ang special someone niya na manonod sa kanyang Romance Revisited concert, aniya ay lahat naman daw ay welcome manood kahit pa si Rachelle Ann Go na ex-girlfriend niya.
Wala pa rin daw siyang girlfriend ngayon at hindi niya inaalis ang possibility na baka sa Indonesia na siya makahanap ng special someone dahil very attractive daw ang Indonesian girls.

- Walkout ni Ruffa G sa The Buzz lumikha ng malaking isyu sa showbiz
- Daiana Menezes sinuwerte kay Zhivacker (Suwertihin din kaya kay Vic Sotto?)
- “Di pa kami kasal ni Kristine!”–OYO BOY
- Dating sikat na young actor bading na bugalo na ngayon
- Mark Anthony Fernandez rumesbak kay Claudine Barretto
- Jewel Mische makasisira sa career ni Richard Gutierrez
- Mga laos na sexy babes rumarampa pa rin sa bugawan
- Judy Ann Santos buntis na!
- Away nina Shaina at Ruffa inayos ng ABS-CBN
- Alessandra Da Rossi X-rated sexy actress
- Gawad-URIAN nominess bared
- Sa bugawan galing at hindi naging international model ang sikat na aktor

.jpg)