Today's Punto
Today's Punto
Opinion
‘NAIA back to its original name, MIA?’
By Felix M. Garcia

May 31, 2018

MATINDING dagok sa angkan nina Ninoy
ang kasalukuyan na isinusulong
laban sa kanya ng isang Larry Gadon
na siyang namumuno sa agarang aksyon

Na maibalik sa katawagang MIA
ang ngayon ay tinatawag na NAIA
sapagkat illegal ang proseso aniya
na ginamit para mapalitan basta.

Kung saan ‘contrary’ sa saligang batas
na ipangalan sa tao, komunidad,
gusali, o alin mang pambansang bansag
ang sa ‘rule of law’ ay hindi nakasulat.

Pagkat bago pa man maaring magawa
ang ganitong bagay (gaya halimbawa
na ipangalan kay Erap ang Maynila)
‘yan may ‘due process’ na dapat isagawa.

At hindi maaring basta ipangalan
ang kahit anumang pampamahalaang
ahensya, tanggapan at/o kagawaran
nang di daraan sa panuntunang legal.

Kaya nga’t sa puntong ito’y malinaw na
may nilabag na ‘rule’ ang magkakasama
na nagtulak nitong agaran kumbaga
nilang mailusot iyan sa kamara.

Na ipangalan nga kay Ninoy Aquino
ang MI, kung saan ay si Cory mismo
ang pangulo noon, kung kaya siguro
minadali ‘yan ng kanyang kaalyado.

May ‘defi nite period of time’ na kailangan
bago ang kahit na anumang pambansang
katawagan puedeng maisakatuparan,
kaya may hinala rin na may nabigyan.

Partikular sa ‘ting mga mababait
at ubod ng galing na ‘Representatives’
kung kaya marahil itong pagpapalit
ng ‘MIA to NAIA’ agad na nasungkit!

Gayong ang dapat ay matapos ang ‘ten years’
o higit pa bago maging ‘legitimate’
ang ginawang hakbang nitong nagpumilit
ipasa ang bagay na hindi matuwid.

(Napatay si Ninoy ‘year 1983;
1987’ nabigyang papuri
bilang bayani at kung kailan nangyari,
na ang MIA bigla naging NAIA pati).

Kaya nga’t sa puntong ito’y lumalabas
na ang marami sa ating mambabatas
ang tila salat sa panuntunang batas,
base sa malinaw na ipinamalas.

Eh, bakit nga hindi natin masasabi
na ang iba’y mangmang sa madaling sabi?
Naturingang kasing mga intelyente
at kagalang-galang pero palang silbi?!

At di rin malayo na ang iba nito
ay inutusan lang bumili sa kanto
ng suka ika nga, kaya’t nang tumakbo
at nanalo walang alam kahit ano?

(Ang isinusulong ni Atty. Gadon
na ibalik bilang MIA itong ngayon
ay NAIA, grabeng kawalan ng ‘valor’
nang pagkatao ng yamaong senador!)



Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions