Today's Punto
Today's Punto
Headlines
Lalaki nalunod
By Rommel Ramos

May 15, 2018

ANGAT, Bulacan ---- Patay ang isang lalake matapos na maligo sa Angat River nitong Biyernes ng hapon. Ang biktima ay nakilalang si Joshua James Ramos, 22, ng Northville 6A Pulong Buhangin, Balagtas, Bulacan at nagtatrabaho bilang data analyst sa Maynila.

Labing isang magkakapitbahay silang naligo sa Angat River sa bahagi ng Barangay Sta Lucia noong alas-5 ng hapon ng May 11.

Habang sa kasarapan ng paliligo ng grupo ay nadulas daw sa malalim na bahagi ng ilog ang si Ramos at nalunod.

Agad na humingi ng tulong sa mga otoridad ang mga kasama nito at agad namang nagsagawa ng rescue operation ang Angat Rescue Team para kay Ramos ngunit alas-4 na ng umaga ng Sabado (Mayo 12) ito nakita.

Ayon kay Leonard Santos, kaibigan ng biktima, nangunguha sila ng shell sa mabuhanging lugar ng Angat River ngunit nadulas ito at napunta sa malalim na bahagi.

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ng kaibigan upang sagipin ngunit dumulas na ang kamay nito at maging siya rin ay muntik ng matangay sa ilalim.

Dagdag pa niya, may kabigatan si Ramos kayat hindi niya ito nakayang hatakin paangat para maisalba.

Tumanggi naman ang ama ng biktima na magbigay ng pahayag hinggil sa insidente.



Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions