Today's Punto
Today's Punto
Headlines
4 kidnaper, 1 pulis patay sa enkwentro
By Rommel Ramos

Dec 27, 2017

ANGAT, Bulacan ---- Apat na miyembro ng kidnap-for-ransom group ang patay habang isang pulis din ang napatay at isa pang pulis ang sugatan sa madugong engkwentro sa Barangay Sta. Lucia dito.

Habang nailigtas naman ng mga operatiba ang isang 27-anyos na kidnap victim na nagmula pa sa Laguna.

Ayon sa ulat, ikinasa ang negosasyon sa pagitan ng mga suspek at PNP Anti Kidnapping Group at naibaba ang ransom money sa P1.7 million mula sa demand ng kidnappers na P15 million.

Napagkasunduan na sa isang gasolinahan sa Balagtas iaabot ang nasabing pera kapalit ng paglaya ng biktima na itinago sa pangalang Chariz, 27, residente ng Binan, Laguna. Ngunit iniba ng mga kidnaper ang lugar kung saan sana magkakaabutan ng pera at inilipat sa Sta. Lucia.

Habang binabagtas ng mga kapulisan ang Barangay Sta.Lucia, agad na natunugan ng mga suspek na pulis ang sakay ng isang sasakyan na agad itong pinaputukan.

Dahil dito ay gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakapatay ng apat na suspek na kinilalang sina Kenneth Alemanza, Arman Barde, Jonathan Mendez at Marte Sagud Passi.

Habang napatay din sa labanan sa panig ng kapulisan si Supt. Arthur Masungsong na dead on arrival sa pagamutan habang sugatan naman si Chief Inspector Reynaldo Lumactod na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital.

Narecover sa crime scene ang dalawang 5.56 rifl e, .45 pistol, at 9mm sub machinegun at mga bala.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente habang naibalik na sa kanyang pamilya ang biktima ng kidnapping.



Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions