Today's Punto
Today's Punto
Opinion
Ano nga kaya talaga?
By Felix M. Garcia

Nov 28, 2017

KUNG ganyang pati na taga ibang bansa
ay nanghihimasok sa pamamahala
ng ating Pangulo, iyan ay di kaya
nang dahil na rin sa sulsol, halimbawa

Ng mga katulad nina Hontiveros,
Kiko at iba pa nilang kaalyados;
At kung saan halos lahat ng pagkilos
ng administrasyon ay binabatikos

Kung kaya sanhi ng hindi makatwirang
sa ating Pangulo ay maling pananaw
ng ilan sa ating naging bisita lang
sa ‘ASEAN summit,’ yan ay nakisasaw

Pati sa ‘internal aff airs,’ di marapat
makialaman ang iba, lalo sa ‘war on drugs’
ni Duterte, na di lang sa ‘urban areas’
laganap kundi sa buong Pilipinas.

Sa akala kaya n’yan kung di si Digong
ang panalo sa nakaraang eleksyon,
di kaya ultimong batang paslit ngayon
ay ‘pushers’ na rin at sa shabu ay gumon?

At kung saan dahil sa kampanya nito
laban sa naturan dumami nang husto
ang natokhang ya’y di gusto ng Pangulo
kundi ang dapat sisihin sila mismo

Pagkat kung ang iba ay hindi lumaban
sa pulis, PDEA at saka NBI,
imposibleng sila ay masaktan man lang
kung di nagkar’on ng sabi ay ‘resistance’

At saka lahat ba r’yan ng pamamaril
na ikinasawi ng nakararaming
kababayan ay sa otoridad natin
narapat isisi? Di tama marahil.

Dahilan na rin sa posible rin namang
ang iba’y sanhi ng maaring personal
na alitan at/o ng grabeng onsehan
sa kita ng ‘pushers’ at namumuhunan.

Nakasisiguro ba tayong lahat na
ng ‘extra judicial killings’ gawa nila?
Malay natin baka gawa lang ng iba
at ‘drug related’ din ang posibleng mitsa?

Ano’t nang dahil lang sa mga personal
na interest at/o hangaring makamtan
ang ninanasang mataas na pedestal
nagagawa n’yan ang kapwa ay siraan?

Tulad na lang nitong si Renato Reyes
na halos lahat ng ‘sitting president’
ay sa kara-’rally’ niya na walang ‘effect’
pinamunuhan ang sariling interes

Ng mga kilusang anila’y pambayan
sng isinusulong pero sa totoo lang
may himig ‘sedition’ o pag-aklas minsan
laban sa gobyerno ang patutunguhan.

O sadyang ang taong ito ay wala na
yatang magawa sa tanang buhay niya,
kundi ang pumapel bilang kontrabida
laban sa sinumang maging Pangulo pa?

Kung saan posibleng kapalit ng ganyang
animo’y propesyon na niyang naturingan
ay di lamang barya ang maaring bigay
ng maka-kaliwa’t grupong pulitikal?

Kasi nga, ‘yan ba ay magpapakapagod
ng husto’t ang buhay ay isugal halos
sa panganib dahil lang sa kakarampot
na biyayang nakasilid sa ‘envelope’?!



Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions