Today's Punto
Today's Punto
Opinion
A demolition drive vs. Mayor EdPam?’
By Felix M. Garcia

Nov 14, 2017

NANG mabasa ko sa pahayagang ito,
(kung saan ako ay kolumnista mismo)
ang ‘news report’ hinggil sa kilalang tao
at batid kong may marangal na prinsipyo

Na kinikilalang ‘world’s class city mayor,’
multi-awarded’ at Presidente nitong
‘League of City Mayors in the PHL’s ngayon,
at kaalyado rin ni Pangulong Digong

Dalawang bagay ang sumagi sa isip
ni ‘yours truly’ tungkol sa pagkakadawit
ni Mayor Pamintuan – ang una ay inggit,
pangalawa – ‘in line with dirty politics’

Liban sa posibleng ang ating Napolcom
ang medyo ‘drastic’ sa pinalabas nitong
‘order’ na alisan ng ‘full supervision
at ‘control’ din sa ‘local police’ si Mayor.

Aywan lang kung tunay ngang sinuri muna
ng Napolcom ang isyu hinggil sa droga,
kung saan si EdPam at labing walo pa
at isang governor ay sangkot anila

Sapagkat kung hubad sa katotohanan
ang akusayon ng Napolcom kay EdPam,
grabeng paninira sa isang katulad niyang
tapat sa tungkulin ang naturang bintang

Kaya nga’t marapat lang na iprotesta
ni Mayor sa kinauukulang ahensya
ang pagkakadawit ng pangalan niya
sa listahan nitong protector ng droga.

Pagkat maaaring ang ating Napolcom,
sa puntong ito ay di lang reputasyon
ni Mayor, kundi pati na ang ‘city hall,’
ang inilagay n’yan sa panganib ngayon.

At marahil tama lang na hamunin niya
itong Napolcom na siya’y kasuhan na,
imbes paninirang puri din pati na
sa kapamilya ang maling pag-akusa.

Dahilan na rin sa ang pangyayaring ‘yan,
na kung saan di lang pagkatao’t angkan
ni Mayor itong sa grabeng kahihiyan
sa isyung ito na baka imbento lang

Na ang idudulot malaking pinsala
sa taong nang dahil lamang sa hinala
o posibleng ‘planted’ lang na paninira
ang lahat sa kanya ay maglahong bigla

Partikular na r’yan ang nagawang buti
para sa Angeles at Kabalen pati,
na nang dahil sa ganyang pangyayari
ang kauuwian ay kawalang silbi.

Dala nga lang nitong maling pag-akusa
marahil ng ating pambansang pulisya
kaya’t ang Alkalde nalagay kumbaga
sa situasyong dapat ay kinonsidera.

Kinakailangan din namang ang Napolcom
ay maging ‘cautious’ at lubhang mahinahon
sa pagtukoy ng hinihinala nitong
suspek bago maglabas ng impormasyon

Sapagkat kung walang sapat na basehan
at posibleng ‘yan ay haka-haka lamang,
‘as an investigating body,’ kailangang
batid ang batas na dapat ipairal!



Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions