Today's Punto
Today's Punto
Editorial
Magsisi, maghilom

Nov 07, 2017

BAYAN NG DIYOS, bumalik na tayo sa Panginoon.

Naligaw na tayo ng landas at pinili natin ang kadiliman kaysa liwanag.

Bakit tayo pumapalakpak sa patayan?

Pinili natin ang karahasan kaysa kapayapaan.

Pinili natin ang magsinungaling kaysa katotohanan.

Pinili natin ang pagtawanan ang malaswa sa halip na iwasto.

Pinili nating manahimik kaysa makisangkot.

Sa maling akalang ito na ang huling baraha, nasubukan na natin lahat ng uri ng pamumuno…kumapit na tayo sa patalim.

Ang dating bayan ng mga bayani ay naging bayang walang pakiramdam at walang pakialam.

Magsisi ang manhid.

Hindi ito ang Pilipinas.

Hindi ganito ang Pilipino! Ang inaawit natin ay “ang mamatay ng dahil sa ‘yo”…. hindi “ang pumatay ng dahil sa ‘yo….”

Let us return to the Lord, seek His pardon and promise to reform our lives NOW!

(Mula sa homilya ni Arsobispo Socrates Villegas sa Misa sa EDSA Shrine, Nobyembre 5, 2017)



Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions