Today's Punto
Today's Punto
Opinion
‘Beware of illegal recruiters!’
By Felix M. Garcia

Oct 26, 2017

NITONG abeinte tres ng buwan ng Oktubre
tyempong sa ibaba ng Capitol Lobby
ay may nakasabay kami nina Ashley
at Tonette nang sa opis ni ‘Nany Baby’

Na karatig kuarto lang ng ‘budget office’
ang ‘seat of office ni Gob’ bago pumanhik
ay marahang pumasok din ang ilang ‘chicks,’
at isang lalaki na medyo ma-’talkies’

Upang idulog n’yan ng personal kay Gob
ang sumbong laban sa kanila’y nag-’recruit’
para sa Middle East, pero pagkatapos
ang kinasapitan ay masalimuot

Sanhi ng tama at nakaalis sila
papuntang Dubai at ng Saudi Arabia
pero ang binigay na trabaho iba
kaysa nakalagay sa kontrata nila.

At batay na rin sa bigay na pahayag
ng mga ‘yan, halimbawa ang ‘work contract’
nila ay ‘beautician’ at/o ‘hotel staff ,’
pagdating sa ‘abroad’ ay DH ang bagsak?!

At kung saan kapag minalas ng husto
na kagaya r’yan ng testimoya mismo
ng ilan, kundi man nireyp yan ng amo,
sa kaunting mali ay binubugbog nito?

At ang masaklap ay sa kadahilanang
itong ‘visa’ pala r’yan ng karamihan
na biktima nila ay pang-turista lang
kaya ano pa nga ang magagawa n’yan

Kundi tanggapin ang katiting na sueldo
kaysa umuwi at ang pasahe nito
ay di libre kaya dumami ng husto
sa PHL’s Embassy ang nagpa-ampon dito.

At heto nga itong kauuwi pa lang
na nanggaling sa U.A.E. at iba pang
lugar sa ilang parte ng Gitnang Silangan
itong humingi ng saklolo kay ‘Nanay’

Kung saan sa taos puso ring pagtulong
ng bale ‘spokesman’ ay nakapagsumbong
itong ni kusing ay di kumita roon,
ay sinaktan pa ng amo nilang gunggong.

At nabigyan lang ‘yan ng bagong pag-asa
sa pagdulog nila kay ‘Nanay’ Pineda,
na nangakong lahat tutulungan niya
para ibangon sa pagkadapa nila.

At sana ani Gob ay magsilbing aral
sa lahat ng ating mga kababayan
ang pangyayari na inyong naranasan
para wala nang mabiktima sa ganyan.

“Na noon pa nga ay ‘yan sinabi ko na,
partikular sa’ting mga kaprobinsya,
ang tayo ay huag maniniwala basta
sa di rehistradong ‘recruiter’ hindi ba?”

Pero aniya di n’yo sinunod ang bilin
ni ‘Nanay’ kung kaya sa ‘illegal’ pa rin
ang bagsak ng ibang kababayan natin,
na naging biktima ng maling gawain.

At bago lumisan sa kanyang tanggapan
ang lahat, kay Edna kaniyang pinabigyan
ng pangkain para sa pananghalian;
Ganiyan po talaga kabait si ‘Nanay’?!



Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions