Today's Punto
Today's Punto
Headlines
Pawnshop owner binaril matapos pagnakawan
By Johnny R. Reblando

Sep 14, 2017

IBA, Zambales --- Patay ang isang pawnshop owner matapos itong barilin at pagnakawan ng dipa kilalang mga salarin sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Danilo Jaen, 55-anyos. Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa katawan at hindi ito umabot pang buhay sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inabangan ng mga di kilalang suspek ang biktima at ang kanyang asawang si Elizabeth, 49-anyos sa kanilang pag-uwi.

Pagkakita sa biktima inundayan ito ng sinuntok ng mga suspek ang kasunod ng paghablot sa dalang bag na naglalaman ng P250,000 cash at alahas na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay nakasuot ng bonnet at helmet ng isagawa ang pagnanakaw.

Patuloy ang imbestigasyon ng Zambales PNP hinggil sa nasabing insidente.



Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions