Today's Punto
Today's Punto
Opinion
Maling akusasyon
By Felix M. Garcia

Sep 12, 2017

SA GANANG sarili na pag-analisa
ni ‘yours truly’ hinggil d’yan sa patuloy na
may napapatay ng dahilan sa droga,
posibleng di lahat gawa ng pulisya.

Pagkat di malayong ang ibang pagpatay
na napabalita halos araw-araw,
tama’t drug related itong karamihan,
pero di lahat gawa ng kapulisan

Ang katawagang ‘extra judicial killings’
na karaniwan ng sila itong ating
napagbibintangan bagama’t maaring
ang iba’y biktima lamang ng ‘salvaging’

At posibleng ito’y gawa lang din mismo
nitong sa bawal na droga konektado;
Kung saan maaring para di mabisto
ang itinatago nilang kontrabando

Ipinaliligpit ng mga hayupak
na kapitalista r’yan ng ‘illegal drugs’
ang kaawa-awa nilang taga-tulak,
oras matiklo ng ating otoridad.

At kung saan itong ating kapulisan
ang kadalasan ay napagbibintangan
gayong ang totoo, ang ibang pagpatay,
gawa lang marahil ng mga ‘gun for hire’.

Na handang pumatay at isugal nila
ang kanilang buhay, saka kaluluwa
sa kahit kakaunting halaga o barya
makatikim lamang ng bawal na droga.

Kaya nga, gaya r’yan nang inaakala
ng iba, si Duterte ang kaipala
ay may polisiya o ‘pattern’ ika nga
nang pagpatay ‘yan ay malayo sa tama.

Kundi ng posibleng paninira lamang
sa administrasyon ng mga kalaban,
dala nitong tanging si Duterte lamang
ang may dibdib para isugal ang buhay

Upang ang lahat ng masamang bisyo
na ikasisira ng matinong tao
ay ganap malansag sa panahon mismo
ng kanyang malinis na pangungubyerno.

Kaya nga’t ang siya ay ating husgahan
na may polisiya ng ‘instant’ pagpatay
sa mga suspek ng bagay na illegal,
ya’y di marapat na kay Digong ibintang

Dala na rin nitong sa lahat na yata
ng naging Pangulo nitong ating bansa
ay si Duterte ang may ‘balls’ kaipala,
na di takot kahit sa ga-tigreng daga!

Kundi bagkus kusa nitong hinaharap
ang lahat gaano man ito kabigat,
gaya ng ngayon ay grabeng nagaganap
diyan sa Marawi na nakasisindak.

Na ilang beses na niyang sinadyang
dalawin ang ating mga matatapang
na sundalo upang sila ay mabigyan
ng ‘moral support’ at iba pang kailangan.

Iyan ang Pangulo na di ‘nagkukulong’
sa Palasyo kundi bagkus sa maghapon
ay nasa labas at lahat na ng Rehiyon
nadalaw na yata ni Pangulong Digong?!



Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions