Today's Punto
Today's Punto
Opinion
Wala nang hahanapin pa
By Felix M. Garcia

Aug 03, 2017

MATAPOS maupo bilang gobernador
ang anak ng Magalang na si Bren Z. Guiao,
na naging maganda ang ‘performance’ noon
hangga sa bumaba siya sa Capitol

Na sinundan ng mag-amang sina Lito
at Mark Lapid (bago nating pulitiko);
na umupo ng ’12 years’ sa Kapitolyo,
pero kung ano ang nagawa (sikreto?)

Hanggang sa umupo ang ‘priest-turned governor’
na nakatuklas sa di lang isang milyong
piso pala itong ‘income’ ng Capitol
sa buhangin, ‘it’s a million dollar question?’

At lalong lumaki ang ‘income’ sa ‘quarry’
(ng lalawigan) nang si Gov ‘Nanay Baby’
na ang kay Among Ed itong humalili
sa ‘seat of offi ce’ ng posisyong nasabi.

Dito na rin unti-unting nakabangon
ang Pampanga sa matinding pagkabaon
sa hirap na dulot ng pagsabog noon
ng Mt. Pinatubo dito sa’ting rehiyon.

At kung saan dahil sa sipag na taglay
ng gobernador na katulad ni ‘Nanay,’
ang lahat pati na karatig lugar lang
ng Pampanga, sa pag-asenso ay damay.

Di ko ninanais sabihing ang iba
na naging pinuno ng ating probinsya
ay walang nagawang buti sa Pampanga,
kundi ang kay ‘Nanay’ ay lubhang kakaiba.

At maging ng ibang punong lalawigan
sa ibang dako ng ating kapuluan
ay masasabi kong hirap maungusan
ang taos sa pusong serbisyo ni ‘Nanay’

Lahat na ng bagay na makabubuti
para sa Kabalen walang atubili
niyang nagampanan sukdang ang sarili
isuong kung minsan sa panganib pati.

Gaya ng pagtungo’t laging pagbisita
maging sa liblib ng lugar ng Pampanga
para makita ng aktual ang lahat na
ng dapat tutukan, kahit maproblema.

Pero nabigyan ng kaukulang aksyon,
at dagliang lunas sa tamang panahon,
tanda ng sa likod ng lahat, ang misyon
ni Gov may matatag na determinasyon.

Sa kaayusan at pangkapayapaan
ng kapaligiran aktibo si ‘Nanay’;
Kung saan nito lang buwang nakaraan
ay pinulong n’yan ang mga ‘bantay-bayan’

At ‘in public’ kanyang inihayag mismo,
na bilang suporta ng ating gobyerno
at gantimpala sa tapat na serbisyo
ng mga yan sila ay may benepisyo

Ng libreng medikal o pagpapagamot
sa mga ‘government hospital’ sa lungsod
at ibang pang-distriktong klinikang sakop
din ng pampublikong mga panggagamot.

Na malaking bagay para sa mahirap
nating kababayan pagdating ng oras
na may magkasakit na mga kaanak,
at libre pati na rin ang panganganak.

At ni kusing wala silang babayaran
sa alin pa mang ating ‘district hospital,
kaya paglabas ng maysakit, tiyakang
‘solved’ ang lahat dahil hindi nagkautang?!

(May karugtong)


Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions