Today's Punto
Today's Punto
Opinion
Sukatan ng tapang at paninindigan
By Felix M. Garcia

Jul 27, 2017

KUNG DI nanalo sa pagkapresidente
ang ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte,
di kaya posibleng ‘within one year to three’
ang bilang ng ‘pushers’ ay magiging triple?

At baka ang ‘users’ di lamang ibayo
sa ‘number of pushers’ ang abutin nito
kung kagaya lang din ng dating Pangulo
at ni Jejomar ang pinalad manalo

Sa nakalipas na halalang nasyonal
(at lokal) kung saan sa pampanguluan
ay sina Roxas, Poe, Santiago, Jejomar
at Digong Duterte ang naglaban-laban.

Sanhi na rin nitong bagama’t noon pa
mang nakalipas na dalawang dekada
ay mayrun na r’yang iligal na droga,
ya’y tila binale wala lamang nila.

At walang ginawa habang sila itong
nasa poder at ‘yan ang nakaposisyon
bilang pangulo at bise natin noon
itong isa, kundi (maupo maghapon?)

Kasi nga, maliban sa puro patsarming
at magpasarap lang sa tangang tungkulin
ang nakasanayan yata nilang gawin,
ya’y pareho lang sa pagiging corrupt din?

At higit ang dami ng nagawang palpak
ni PNoy kaysa sa naaayon dapat
sa batas, gaya ng DAP at saka PDAF,
at iba pang kaso ng grabeng paglabag

Na kung saan yan ay posibleng makulong
din na kagaya ng kanyang pinakulong
na sina Arroyo, Revilla at Jinggoy
sa isyung tulad n’yan kapag nagkataon

Dala na rin nitong matindi talaga
ang kasong maaring kaharapin nila,
sapagkat mabigat na pagkakasala
ang sa salapi ng bayan ay mamulsa!

Kaya nga kung di si Pangulong Duterte
ang naupo bilang bagong presidente
matutuklasan ba itong ngayo’y grabe
na palang problema sa ating ‘society’?

Kung saan ang shabu ay kalat na pala
sa lahat ng dako at isang uri na
riyan ng regular na itinitinda
sa tiangge, gaya ng damit at iba pa

Na kataka-takang di man lang napansin
nitong mga lider nating magagaling
gayong ‘almost 30 percent na ng ating
sambayanan ang sa shabu nahumaling

At/o sugapa na kaya’t ang hantungan
ng pagiging hayok n’yan sa kamunduan,
madalas pati na kadugo at laman
nagiging biktima n’yan ng panghahalay?

At ang mas matindi ay nagagawa rin
nilang ang kawawang biktima’y patayin
upang itago ang nakaririmarim
na pagkakasala sa likod ng dilim.

Panahon na upang ang ating pananaw
ay ituon natin sa dako pa roon
ng daigdig upang doon ay matanaw
kung sino talaga si Pangulong Digong!

(May karugtong)



Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions