Today's Punto
Today's Punto
Headlines
P180-K shabu narekober sa napatay na drug suspect
By Rommel Ramos

Jul 13, 2017

BOCAUE, Bulacan ---- Isang drug suspek ang napatay sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan sa Barangay Bunlo dito nitong LInggo kung saan narekober ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P180,000.

Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Winston Cagampang, 34, residente ng Barangay Tonsoya, Malabon.

Si Cagampang ay napatay sa loob ng isang bahay matapos umanong manlaban sa pulis na nagpanggap na buyer ng ilegal na droga.

Agad umanong bumunot ng baril ang suspek nang matunugan na pulis ang katransaksyon ngunit agad na napatay ng mga operatiba.

Bukod sa 30 gramo ng shabu, narekober sa suspek ang .38 revolver at marked money.

Sinasabing nasa drug watchlist ang suspek at nagdedeliver ng shabu sa Bocaue mula sa Valenzuela City.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.



Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions