Today's Punto
Today's Punto
Opinion
AC pays tribute to Ka Luis M. Taruc
By Felix M. Garcia

Jul 06, 2017

MARAPAT lang para sa isang katulad
ni Ka Luis Taruc ang mabigyan ng gawad
parangal, gaya ng bigay ng city Dad
ng Angeles at City Council ng Siyudad

Sa makabuluhan nitong kontribusyon
bilang ‘peasant leader’ at isang aktibong
‘reformist in his genuine pursuit of freedom,’
sa bisa ng isang ‘Council Resolution,’

Na kumikilala kay Ka Luis M. Taruc
sa naiambag niya sa kilusan ng Huk
noong kasagsagan pa ng pananakop
ng mga Hapones sa lahat ng sulok

Nitong ating bansa, sa walang pangimi
nilang pagyurak sa dangal nitong lipi,
na tatlong taon ding lubos namayani
ang kalupitan n’yan sa’ting bayang sawi

Bago ang katulad ng isang Ka Luis
at iba pang sa kilusan kapanalig,
na gaya ng Kanong ganap nagsumakit
upang ang paglayang tunay ay makamit

Matapos lamang ang halos tatlong taon
na pamamayagpag ng ganid na Hapon,
muli sa pagbalik ni Douglas McArthur
nag-‘Hara-Kiri’ si Yamashita noon!

Pero di kakaunti’t matingkalang hirap
ang pinagdaanan nitong matatapat
na anak ng bayan bago natin ganap
nabawi ang tunay na paglayang hangad

Na ipinaglaban nina Ka Luis Taruc
at ng iba pa riyang nag-alay ng lubos
na malasakit at pagsintang mataos
para sa’ting Inang-bayang iniirog.

Kung saan maliban nga kina Ka Luis,
Pedro Abad Santos at ibang masugid
na kalipi natin, ‘during the Japanese
occupation’ din ay ganap ding nagtiis

Ng hirap at gutom, at kung saan itong
hindi pinalad na matakasan noon
ang lupit ng ‘Death March’ sa kamay ng Hapon,
yan sa daan pa lang patay nang itapon.

Kaya marapat lang sa puntong naturan,
na ang kagaya ng ating kababayang
si Luis M. Taruc at iba pang lumaban
para sa ganap na paglaya ng bayan

Ay mabigyan din ng kaukulang pansin
ang kontribusyon at mahalagang papel
na ginampanan n’yan sa ikagagaling
ng ating bansa at bayang ginigiliw.

Na di nalalayo kay Oca ng Siyudad
nitong San Fernando nang siya pa’ng City Dad;
At kung saan lahat ng bayaning dapat
alayan ng dangal nabibigyan agad.

Gaya ng parangal na bigay ni EdPam
at ng Sangguniang Lungsod na nag-alay
kay Ka Luis M. Taruc ng gintong parangal,
ganyan din ang ating kailangan ibigay

At dapat tularan ng iba pa nating
mga opisyal na marapat tumingin,
upang ang tulad ng nabuwal sa dilim
ng pakikidigma maparangalan din

Na kahalintulad din ng kay Duterte
sa pagbigay niya hangga’t maaari
ng recognition at ng gintong papuri,
sa mga sundalo’t mga pulis pati

Na nagbuwis ng buhay diyan sa Marawi,
sa Mamasapano; at mga nasawi
ng dahil sa tapat na pagtupad lagi
sa tungkulin laban sa masamang gawi!



Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions