Today's Punto
Today's Punto
Opinion
Bon, EdPam at EdSa, dangal ng Pampanga
By Felix M. Garcia

Apr 18, 2017

PANIBAGONG ‘Award’ na naman o ‘MOMA’
ang nakaragdag sa katanyagan nina
Mayor Alejandrino ng Arayat, saka
kina City Mayors Pamintuan at Edsa

Kung saan pang-lima na sa naibigay,
ng Superbrands Marketing International,
kay Angeles city Mayor Ed Pamintuan,
itong natanggap niya kamakailan lamang.

At kwenta pang-tatlo ang kay Mayor Edsa;
Bon Alejandrino, nakadalawa na;
(Na haya’t patuloy sa pag-arangkada
bilang marangal na anak ng Pampanga).

Kung saan ang husay sa pamamahala
at mga mapuring bagay na nagawa,
naipamalas n’yan sa mata ng madla
ng may kagalingan at pagka-dakila

Kaya naman, hayan bilang pagkilala
ng SMI kina Bon, EdPam at EdSa
(respectively) conferred to them in Manila
the said awards to the three sons of Pampanga.

Kung saan ka’linsabay na binigyan
ng Superbrands Marketing International
ang ilang Alkalde rin ng ibang bayan
ng ganitong uri na gintong parangal.

Na kung saan itong naturang okasyon
ay sa ‘The City Club’ ng Makati nitong
March 30 ginanap ‘for all concerned Mayors,
who in nation building have played a major role.

Ang SMI ay isang ‘International
Award-giving body’ na may kaugnayan
sa ‘consumer and service products’ nga nilang
kumikilala sa dapat parangalan.

Kaya, hayan bilang isa sa marapat
mabigyan muli ng panibagong‘Award,’
si EdPam - ‘on records’ ito na ang pang-‘fi ve’,
na natanggap nga n’ya nitong nagdaang March;

At kung saan sa pagkakataong ito
nakasabay muli niya si Santiago,
ng maunlad na Lungsod ng San Fernando;
at Arayat Mayor Bon Alejandrino.

Na napabilang sa mga mararangal
at tunay naman ding liping Kapampangan,
na humakot para sa’ting lalawigan
ng papuri at ng higit pa sa yaman.

Si EdPam, di dahil sa siya ay tanyag
at kabilang na sa Mayor na pang-World Class
kung kaya malimit mabigyan ng ‘Award,’
kundi ng dahil sa taglay niyang sipag

At pagtupad pati sa mga marapat
na gampanan niya para sa kasiyudad,
bilang responsible’t tunay na City Dad
na may malasakit sa kanyang ka-anak.

Si Mayor EdSa ng Lungsod San Fernando
sumunod sa yapak ni ‘Magsilbi Tamu,’
kung kaya panay din ang pagtanggap nito
ng ‘award’ para sa mga Fernandino.

At ang atin namang ‘rebel-turned-mayor’
na lalong kilala sa ‘nickname’ niyang ‘Bon’
yan kabilang na sa ‘Most Outstanding Mayor’
nitong ating bansa ‘as true Man of Action’!

Na talaga naman ding maasahan
ng kanyang Kabalen sa panunungkulan,
masipag, malinis at tunay na laang
maglingkod ng tapat sa ‘ting Inangbayan!



Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions