Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Jose & Wally Show sa Smart- Araneta milyones na ang benta
By Ceasar Pambid

Feb 21, 2012

Busy ang Sunday nina Jose Manalo at Wally Bayola dahil guest sila sa Party Pilipinas at Showbiz Central  at si Raymond Gutierrez ang nag-interview sa kanila.

Kasunod nito ang presscon ng dalawa para pa rin sa promo ng concert nilang The Jose and Wally Show: Party for Every Juan sa March 2 sa Smart Araneta Coliseum.

Alam ng press na hit ang concert sa rami ng nanghihingi ng complimentary tickets.

Pansin lang namin, habang papalapit ang concert date, nadadagdagan ang guests dahil bukod kina Tito, Vic & Joey, Dennis Trillo, Aljur Abrenica, join na rin sina Ciara Sotto, Aiza Seguerra at Regine Velasquez.

Latest na nadagdag sina Solenn Heussaff at Gary Valenciano.

Si Phillip Lazaro ang director at si Jimmy Antiporda ang musical director ng concert na unang labas pa lang ng tiket, bumenta na ng P1 million at sabi ni Malou Choa-Fagar, maraming milyon na ang benta ng tiket.

Kabado na ang dalawa sa two-and-a-half-hour concert nila at sabi ni Jose, walang pumapasok sa ulo niya sa songs na kakantahin.

Kakanta at sasayaw sila ni Wally, may sakit pa at marami pa silang gagawin na ikatutuwa ng mga susugod sa Big Dome.

Ipinangako ng dalawa na iba ang mapapanood sa kanila sa concert sa ginagawa nila sa Eat Bulaga at sa Zirkoh at ibang comedy bars.

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions