Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Sisiw lang sa kanya ang ibang GMA 7 starlets… Stef Prescott tulo-laway ang kaseksihan
By Ceasar Pambid

Feb 20, 2012

Isang super palaban na Stef Prescott ang iniharap sa amin ni Manny Vallester noong isang gabi sa Teresitas’s along Morato Avenue.

We met Stef some years ago when she was still an upstart sa Starstruck at noon pa lang nakita na naming ang pagiging sobrang kimi niya.

Tingin namin noon, parang nao-overshadow siya ng kanyang mommy na laging ito ang humaharap sa mga reporter. Pero ngayo nga, ibang-iba na si Stef Prescott, palaban, handa nang mangalampag, kumbaga.

Fresh from her Survivor stint where she almost bagged the three million pot, wala namang regret si Stef kung di man siya ang nanalo.

 Marami daw mas mahalaga kaysa pera at kumpara sa mga life changing experiences niya, walang sinabi yung tatlong milyon na pinanalunan ng isa niyang kaibigan, si Betong something nga.

Yung tatlong milyon, puwede ko pang kitain yun, yung mga natutunan ko sa Survivor, talagang dun lang,” sabi pa niya.

Dahil nga sa mga natutunan niya sa Survivor, na-realize ni Stef that she should be the one ang manguna para magbago ang buhay niya. Kumbaga, kung noon she was just waiting kung ano ang darating, siya na mismo ang maghahanap nito.

“Like, hindi ko pa po nasubukang umkayt sa GMA 7 executive offices para humingi ng project, but I think now is the perfect time to do that.

Wala naman po sigurong masama kung makikipag-usap kami sa kanila para mangatok ng projects. 

Sa lahat ng panahon, I think this is the best time to do it, habang may impact pa yung pagsali ko sa Suivivor, kung hindi ngayon, baka tumanda na’ko dito.

“All those six or seven years, I have been waiting, pero wala talaga, it is time that I make my moves,|” sabi pa nito sa amin.

At bilang bahagi ng kanyang pagbabago, she will be more daring. Handa na raw siya and she really feels na hinog na talaga siya to become a full time actress. Kumbaga, kahit na ang pinaka-daring roles, kakayanin na niya.

Patunay nga raw ng tuluyan niyang paged-daring ay ang kanyang White Castle Whisky stint as a calendar girl.

Pinakitaan kami ng mga daring shots ni Stef  at talaga namang sa point of view ng isang ordinaryong kibitzer, nakatutulo-laway talaga’ng ipinakita nitong kaseksihan.

Given the right hanbding and marketing, Stef Prescot can easily becaome a saleable showbiz commodity.

Kaya kung kami ang GMA 7, panahon na para pitasin ang hinog nang si Stef Prescot at bigyan ng mga projects gaya ng mga naibibigay kina Lovi Poe, Marian Rivera at Carla Abellana.

Silang tatlo ang kakategorya ni Stef at yung ibang GMA female stars ay sisiw na sisiw lang sa kanya.

Hindi ba, Manny Vallester?

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions