Today's Punto
Today's Punto
Opinion
Pagsuot ng helmet ‘di uso sa Zambales
By Johnny R. Reblando

Feb 20, 2012

Sa kabila ng mahigpit na kautusan na ipinapatupad na nakapaloob sa Republic Act 4136, ang “No plate, No Helmet, No Travel policy” nagmistulang mga BULAG at INUTIL ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa Zambales hinggil dito.

Matagal na ang kautusan na ito, subalit ni isa yata ay wala pang napaparusahan dito kung kaya malayang namamayagpag sa National Highways ng Zambales ang mga nakamotorsiklo ng walang suot na helmet.

Batay sa obserbasyon CASTIGADOR, sa bayan na lamang ng Iba, Zambales kung saan mismong harapan ng taggapan ng LTO Office ay salubungan ang mga naka-motorsiklo ng walang suot na helmet.

Malaking hamon ito para sa mga taga LTO. Halos sa 13 bayan ng Zambales ay ganito ang iyong makikita.

Mayroon pa nga dyan tatlo sila sa motorsiklo na nakasakay may kasama pang bata, lahat sila walang suot na helmet.

Di ba may bagong batas na ipinalabas na nagbabawal sa mga batang “below 10-years old” ay bawal iaangkas sa motorsiklo, pero? Walang epekto ito.

Huwag sabihin ng mga taga-LTO kulang ang kanilang mga tauhan at hindi nila mababantayan ang lahat ng ito, diba may mga Deputized ang LTO na

Katuwang sa panghuhuli o sadyang KATAMARAN lang ang pina-iiral o di kaya iba ang kanilang trabaho sa tinatrabaho. He he he.

Ginagawang hanap buhay na ang panghuhuli sa mga violators at sasabihin “ano po ang gusto ninyo, tiket o areglo?”, he he he, siyempre mahal at ang penalty, boss areglo na lang, ganyan ang pagpapatupad sa batas.

Sana naman huwag ganyan.

Ganun din ang ilang mga kagawad ng ZAMBALES POLICE PROVINCIAL OFFICE (ZPPO) pumapasok sa loob ng kampo ng walang suot na helmet, sa halip na sila ang tularan, sila pa ang pasimuno.

Ayon sa impormasyon ng CASTIGADOR nagpalabas na daw ng isang “memo” si ZPPO Director, Sr. Supt. Francisco Santigao, Jr., sa mga kapulisan, ang pagsusuot ng helmet kapag naka-motorsiklo.

Tingnan nga natin kung gaano ito epektibo.

Alam niyo mga katoto, bukod tangi ang OLONGAPO CITY, mahigpit ang pagpapatupad sa RA 4136 at madalang ka makakita ng walang suot na helmet, yung mga makukulit lang ang wala, pero napaparusahan ang mga ito, di tulad sa Zambales ala yan!

Mismong taga TRAFFIC MANAGEMENT BOARD (TMB) ng Olongapo City ay tinikitan ang sarili ng mahuli ito ni City Director, Sr. Supt. Christopher Tambungan  ng walang suot na helmet.

Para sa kaalaman ng lahat ng mga makukulit, kung hindi ako nagkakamali nasa P1,700.00 ang penalty sa mahuhuling walang suot na helmet, bukod pa dito ay sasailalim ka pa sa seminar sa LTO.

Paging!  Zambales Provincial Higway Patrol Team (ZPHPT), diba kasama kayo na  dapat nanghuhuli sa mga walang suot ng helmet, ano na ang nangyari?

Sabagay, more on Anti-Carnapping ang trabaho ninyo kaya lang sayang naman yung paniket ninyo na galling sa LTO mga sir.

Para sa mga taga-LTO magtrabaho kayo, huwag kayong patulog-tulog sa pansitan dumarami na ang aksidente sa lansangan na karamihan nasasangkot ay yung mga walang suot na helmet.

Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions